Michael Flores, umaming may naging ex-girlfriend sa TGIS

Michael Flores, umaming may naging ex-girlfriend sa TGIS

- Kilig at katatawanan ang kaganapan dahil sa pagbabalik-tanaw ng mga 90’s casts ng TGIS sa segment ng "Eat Bulaga" na Bawal Judgemental

- Si Michael Flores umamin na naging sila ni Angelou de Leon at nag react naman si Bobby Andrews

- Marami pang nangyaring rebelasyon noong nag guest ang mga 90's teeny boppers na nagtrending

- Ang mga nagkaroon ng love triangle sa TGIS ay nabulgar din nung araw na yun na ikinagulat ng Dabarkads

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Balik tanaw sa 90’s ang nangyari sa isang segment ng Eat Bulaga na "Bawal Judgemental" noong Huwebes. Kulitan, kilig at riot na katatawanan ang eksena sa noontime show na nag trending sa twitter.

Guests ang mga dating cast ng TGIS – ang youth oriented show na umere sa Kapuso network noong 1995. Present sina Angelou de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Ciarra Sotto, Maui Taylor, Polo Ravales at Dino Guevarra.

Sumikat ang show pati ang tambalan nina Bobby Andrews at Angelou de Leon, pati na rin ang iba't ibang namuong relasyon sa TGIS.

Hagalpakan sa katatawa ang mga dating teens stars na ngayon ay may kanya-kanya nang pamilya.

Lalong kinilig ang mga fans sa mga rebelasyong ng casts ng 90’s teeny-bopper show sa pag-amin ni Michael Flores na naging sila ni Angelou dahil tama ang sagot ng nanghusga na si Kyo Quijano.

Di masagot noong una ni Michael ng diretso kung sino sa TGIS cast ang naging ex niya at sinabing “Ang daming magugulat nito, pwede bang titigan ko na lang," sabay titig kay Angelou na nasa likuran.

Biro naman ni Bobby Andrews nung narinig ang rebelasyon, “Ano yun Mike? Papano? Kailan?”

Sinagot naman ni Michael ito ng: “Huwag kang ano, nauna ako sa’yo.”

Kinuwento pa ni Michael Flores na bago pa mag-simula ang show ay naging sila na ni Angelou ngunit hindi rin daw tumagal ang kanilang relasyon.

Hindi lang exes ang mga ni-reveal ng mga TGIS casts, dahil pati ang mga nagka-love triangle habang nasa show ay nabulgar.

Sa tanong na: “Sino ang nakatagpo ng real-life partner sa show na TGIS?", ang tamang sagot naman ay si Dino na nagpakasal at na annull din kay Kim delos Santos na katambal din ng aktor sa teen show. Inamin naman nito na matagal na silang hindi nag-uusap o nagkikitang dalawa.

May TGIS Reunion ding umere noong 2017 at nagroad trip ang mga magbarkada sa Bohol. May mga konting rebelasyon at mas marami pa ring kulitan moments noon with Angelou, Bobby at Michael.

Noong nakaraang taon naman ay naiulat ng KAMI ang paniningil ni Michael sa Regal Films. Masama ang loob niya noon at ibinuhos niya ito sa kanyang social media account.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang TGIS ay unang napanood sa GMA noong 1995 hanggang sa nagkaroon na din ng iba pang mga batches hanggang umabot ang youth oriented show noong 1999.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Do you really know everything about your favorite actor/actress? Are you really a fan? Or do you recognize artists just by looking at a photo of their eyes? Check out the newest tricky questions on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel