Coco Martin, ipinasilip ang loob ng kanyang astig na sasakyan

Coco Martin, ipinasilip ang loob ng kanyang astig na sasakyan

- Ibinahagi ni Coco Martin ang interior ng isa sa sasakyang pinaniniwalaang pagma-may-ari ng aktor

- Ilang beses na niyang naibahagi sa social media ang litrato ng astig na sasakyan na nagkakahalaga ng milyon-milyon

- Sa kanyang Instagram post, ipinasilip ni Coco kung gaano ka high-tech ang loob ng sasakyang Inkas Sentry Civilian

- Tinatayang nasa mahigit 17 milyong piso ang halaga ng nasabing sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa sasakyan na pinaniniwalaang pag-mamay-ari ni Coco Martin. Matatandaang naging usap-usapan nang una niyang ibahagi ang picture ng isang Inkas Sentry Civilian sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Tinatayang nasa mahigit 17 milyong piso ang halaga ng nasabing sasakyan. Sa kanyang panibagong post, ibniahagi ng aktor ang loob ng nasabing sasakyan.

Bukod sa seat adjustment na nako-kontrol sa isang touch screen device, pinakita din niya ang high-tech na screen na naka-install sa loob ng sasakyan.

Ang Inkas Sentry Civilian ay may feature kung saan maaring pumili ang may-ari mula sa Apple, Amazon, o Google voice assistant ayon sa motor1.com.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroon din umanong heating, cooling, at massage function ang mga upuan nito.

Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ay kasalukuyang bumibida bilang si Cardo Dalisay sa Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.

POPULAR: Read more about Coco Martin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel