Pananakot sa mga may utang na di makabayad sa gamit ang social media, ipagbabawal

Pananakot sa mga may utang na di makabayad sa gamit ang social media, ipagbabawal

- Pinangungunahan ni Senator Sherwin Gatchalian na gpagsusulong ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang mga abusadong pamamaraan ng paniningil ng utang

- Ipagbabawal ng panukalang batas na ito ang pamamakiya sa mga may utang na di pa makabayad

- Naniniwala siyang isang uri ng pang-aapi ang pamamahiya sa taong di pa makabayad sa kanyang pinagkakautangan

- Sumasailalim din sa panukalang batas na ito ang pagprotekta sa mga nagpapautang na maayos namang maningil

- Nasa ₱30,000 ang maaring maging multa nang sinumang lalabag dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinusulong na ni Senator Sherwin Gatchalian ang isang panukalang batas na magpoprotekta sa mga nag-loan na nakakaranas ng panghaharass sa paniningil sa kanila.

Base sa ulat ng ABS-CBN, Senate Bill No. 1336 o ang "Fair Debt Collection Practices Act" ito na may layuning ipagbawal ang pamamahiya at pananakot sa mga umutang na di pa umano agad nakapagbayad.

Matatandaang may ilang mga nag-viral post patungkol sa di umano'y paniningil ng nagpautang sa kanyang pinahiram na di pa naibabalik ang perang inutang nito.

Ayon sa Pilipino Star, madalas na social media na ang nagiging daan para maningil ng mga nagpautang ngunit sa maling paraan.

Kung hindi kasi larawan at pangalan ang ibinabagi kaya naman labis na kahihiyan ang inaabot ng di makabayad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ilalim din ng panukalang batas na ito, ipagbabawal ang pagsisiwalat ng anumang pribadong impormasyon tungkol sa nangutang nang walang pahintulot sa kanya.

Ang sinuman na lalabag dito ay maaring magmulta ng hanggang ₱30,000

Matatandaang minsan nang may dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na di umano'y mga biktima ng pamamahiya dahil lamang sa di sila nakabayad ng kanilang nahiram na pera.

Humingi sila ng tulong na mapatanggal ang tarpaulin dahil labis labis na kahihiyan na ang naidulot nito sa kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica