Pangulong Duterte, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng vape sa pampublikong lugar

Pangulong Duterte, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng vape sa pampublikong lugar

- Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na layuning ipagbawal ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar

- Nakasaad sa bagong batas na ipinagbabawal din ang pagbebenta ng vape sa mga may edad 21 pababa

- Dagdag pa rito ay ipinagbabawal din ang pagbebenta ng mga e-cigarette ng mga hindi rehistradong tindahan

- Samantala, ang mga refill din ng vape o e-cigarette ay dapat rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan nakasaad na mahigipt nang ipinagbabawal ang paggamit ng vape o e-cigarettes sa mga pampublikong lugar.

Nalaman ng KAMI na apektado ang buong Pilipinas sa batas na ito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN (isinulat ni Arianne Merez), pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 106 nitong Miyerkules. Subalit, nitong Biyernes lang ito inanunsyo sa publiko.

Nakasaad sa bagong batas na ito na ipinagbabawal na ang pagbebenta ng mga e-cigarettes, heated tobacco products at maging mga novel tobacco products sa mga edad 21 pababa.

Naiulat naman ng Manila Bulletin (isinulat ni Argyll Cyrus Geducos) na ipinagbabawal na rin ang paggawa at pagbebenta ng mga hindi rehistradong Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS).

Samantala, ang mga refill naman ng vape ay dapat rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Sabi sa ulat ng Philippine Star (isinulat ni Prinz Magtulis), ang mga manufacturers naman ng e-cigarette ay umapela sa batas na ito dahil maaaring mapawalang bisa ang silbi ng e-cigarette sa mga nais tumigil sa paninigarilyo kung isasama lang ang mga gumagamit nito sa mga gumagamit ng sigarilyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, noong nakaraang taon naman ay naglabas na ng order ang Department of Health (DOH) na ipagbawal ang paggamit ng vape at e-cigarette sa pampublikong lugar.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes talked to KAMI about her personal life and her recent viral post on social media! Check out all of the epic and exciting videos on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)