Isang lalaki, namataang patay matapos umano mag-charge habang gamit ang earphones
- Isang lalaki sa Thailand ang binawian ng buhay matapos umano nitong makuryente sa cellphone niya
- Nakita umanong patay ang lalaki habang nakasuot ang earphones sa tenga niya at naka-charge ang cellphone niya
- Sinabi naman ng awtoridad na walang suspek sa insidenteng nangyari kaya posibleng dahil ito sa kanyang cellphone
- Nagbigay paalala naman ang awtoridad sa mga tao na pinagsasabay ang pag-charge ng cellphone at paggamit ng kanilang earphones
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang lalaki sa Thailand ang nakitang patay matapos umano nitong makuryente sa loob ng kwarto niya.
Nalaman ng KAMI na pinaghihinalaang nakuryente ang lalaki dahil sabay nitong ginamit ang earphones niya habang naka-charge ang kanyang cellphone.
Ayon sa ulat ng LADbible, nakita na lang ang katawan ng 35 taong gulang na si Supakhet Saraboon sa kanyang kwarto sa Phra Nakhon Si Ayutthaya nitong Lunes.
Kita rin umano ng awtoridad na naka-suot pa sa biktima ang earphones niya habang naka-charge ito sa tabi ng kama niya at nakasaksak pa sa extension cord.
Nalaman na lang na patay na ang biktima ilang araw matapos niyang hindi magparamdam sa mga kaibigan niya.
Ayon sa kanyang mga malapit na kaibigan, halos gabi-gabing naglalaro ng football si Saraboon. Subalit, isang araw ay bigla na lang hindi ito nag-reply sa mga kaibigan niya. Napilitan naman ang mga ito na puntahan siya sa bahay niya upang kumustahin.
"We had not heard from him for more than three days, which was unusual. His ex-girlfriend then texted me to visit him, so I went to his house and found no one,” sabi ng kaibigan ng biktima na si Sukpanya.
"Another neighbour and I decided to break into his house, then we found him dead,” dagdag niya pa.
Matapos ang imbestigasyon, sinabi ng awtoridad na wala namang mga suspek sa trahedyang nangyari kaya malaki ang posibilidad na ang kanyang pagkamatay ay dulot ng cellphone niya.
“There are no suspects involved with the death, so we believe it is an accident caused by the phone,” sabi ni Police Colonel Surapong Thammapitak.
"People need to be careful when they are using headphones and charging their phone at the same time,” dagdag niya pa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Pinag-iingat naman ng awtoridad ang mga tao sa paggamit nang sabay ng kanilang earphones at charger, maging ang paggamit ng mga mumurahing adapter para sa charger na maaaring magdulot ng kapahamakan.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Maricar Reyes shares about their vlog "RelationshipPH" and what they think are the topics that matter most. Watch the full interview on our KAMI HumanMeter YouTube channel.
Source: KAMI.com.gh