Estudyanteng walang tsinelas kung pumasok sa klase, nagbigay pa ng saging sa guro

Estudyanteng walang tsinelas kung pumasok sa klase, nagbigay pa ng saging sa guro

- Viral ang nakaaantig ng pusong post ng guro patungkol sa kanyang estudyanteng nakuha pang magbigay ng saging gayung wala na nga itong magamit na tsinelas

- Ayon sa guro, huli na nang pumasok ang estudyanteng si Manuel at wala pa itong sapin sa paa

- Di nagtagal, inilabas na nito ang kanyang pasalubong para sa guro

- Labis na natunaw ang puso ng guro sa kabutihan ng estudyanteng kahit salat sa buhay ay nakuha pa ring magbigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaweksena sa social media ang nakakaantig na kwento ng gurong si Ryan James Dueñas tungkol sa kanyang estudyanteng si Manuel.

Pumasok daw noon ang naturang estudyante na huli sa mga kaklase.

Napansin niyang wala talaga itong isinusuot na sapin sa paa.

Di na ito sinita ni Teacher Ryan at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagtuturo.

Napansin naman niyang tila di makali si Manuel at may kinukuha sa kanyang bag.

Nagulat ang guro nang makitang may pasalubong pala sa kanya ang estudyante na ilang pirasong saging.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis na natuwa ang guro sa kabutihang loob ng bata at ng pamilya nito na nakuha pang magpadala ng pasalubong para sa kanya.

Minsan daw kasi, kung sino pa yung walang-wala sa buhay, iyon pa ang marunong magmalasakit na magbahagi.

Marahil dahil alam nila ang pakiramdam ng wala kaya nang sila naman ang nagkaron ng biyaya, binabahagi nila ito.

Marami ang natuwa sa ginawa na ito ng bata at ang ilan pa ay nais magpaabot ng tulong.

Magsilbing halimbawa sana ang batang ito na handang tumulong at magbigay ng kung ano mang meron sila para mapasaya ang kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica