Grab Food rider na PWD, nabiyayaan ng bagong e-bike mula sa matulunging vlogger

Grab Food rider na PWD, nabiyayaan ng bagong e-bike mula sa matulunging vlogger

- Nabigyan ng bagong e-bike ang Grab Food rider na PWD

- Hinangaan kasi siya sa angking kasipagan at hindi ininda ang kanyang kapansanan

- Ang vlogger na si Basel o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ang nagregalo sa Grab Food rider ng e-bike upang mas maging madali ang kanyang paghahanapbuhay

- Naantig din ang mga netizens sa kwentong ito at umani ng papuri ang vlogger gayundin ang Grab Food rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasuklian ang pagsusumikap ng isang Grab Food rider na PWD dahil sa isang taong may mabuting puso ang nagbigay sa kanya ng e-bike.

Sa post ng vlogger na si Basel o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer", binahagi niya kung paano nila sinurpresa ang 47-anyos na Grab Food rider na si "Kuya Joy".

Nalaman ng KAMI na napabilib sila ni Kuya Joy. Kahit iisa lang ang kanyang binti, at kahit bisikleta lang ang kanyang gamit sa pagde-deliver ng pagkain, nagagawa pa rin nitong maghanapbuhay.

Di niya iniinda ang kanyang kapansanan, at talagang nagsusumikap siyang magtrabaho para sa kanyang pamilya.

Masasabing mabuti tao nga si Kuya Joy sapagkat wala siyang karekla-reklamo sa kanyang kalagayan at talagang nagagampanan pa rin niya ang kanyang trabaho ng maayos.

Kaya naman 'di nagdalawang isip ang likas na matulunging Syrian vlogger na surpresahin si Kuya Joy.

Naging mabusisi raw sila sa paghahanap ng akmang e-bike para sa rider. Siniguro kasi nila na mas mapapagaan nito ang trabaho ni Kuya Joy.

At nang ibinigay na nga nila ang e-bike sa Grab Food rider, walang pagsidlan ang kaligayahan nito.

Bakas sa kanyang mga ngiti ang sobrang kasiyahan at labis itong nagpapasalamat kay Basel na nagmalasakit sa kanya at nabigyan siya ng regalong makatutulong sa kanyang paghahanapbuhay.

We challenged Kris Bernal and her fiancé Perry Choi to do 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel