GF, nahuli ang BF na may dalawa pang ka-date noong Valentine's dahil sa "My Day"

GF, nahuli ang BF na may dalawa pang ka-date noong Valentine's dahil sa "My Day"

- Viral ang post kung saan nabisto ng GF na tatlo pala silang kasintahan ng kanyang BF

- Nabisto raw di umano nito ang kanyang kasintahan dahil sa 'My Day" na bahagi rin ng Facebook

- Ang masaklap pa rito, iisa lang ang pinagdalhan sa kanilang lugar at halos pareho rin ang regalong ibinigay sa kanilang tatlo

- Nagkabiruan pa ang dalawa sa mga GF ng lalaki at baka di lamang daw sila tatlo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Hannah Blaine Gaas kung saan nabisto niya di umano ang kanyang nobyong si "Mark" na mayroon pang dalawang kasintahan.

Ayon sa post ni Hannah, nalaman niya ito dahil sa 'My Day' post ng dalawang pang babae.

Sabi pa niya, iyon daw ang kinatatakot niya na baka may makapareho siyang post at nangyari nga sa di lamang isa kundi dalawa pang babae.

Ang masaklap pa rito, iisa ang lugar kung saan sila nai-date ni Mark at magkakaiba lamang sila ng 'schedule.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila pare-pareho rin ang regalo ng BF sa tatlo niyang girlfriend at ito ay ang malaking bear.

Nakuha pang makipagbiruan ni Hannah sa isa pang GF ni Mark na may Facebook name na Khate Bascon.

Sinabi nilang baka naman di lamang sila tatlo sa puso ni Mark at baka mayroon pang iba na di pa lumalantad.

Imbis tuloy na kiligin sila as Araw ng mga Puso, naging brokenhearted tuloy ang tatlo.

Narito ang kabuuan ng post:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel