LTO, ipinatawag ang broken-hearted na babaeng nag-viral sa social media

LTO, ipinatawag ang broken-hearted na babaeng nag-viral sa social media

- Hindi pinalagpas ng Land Transportation Office (LTO) ang isang babaeng broken-hearted matapos makita ang viral video nito sa social media

- Sa isang video clip, makikita ang babae kasama ang isa pang babae at lalaki na nakasakay sa isang single na motor at walang suot na helmet

- Bagamat nakisimpatya ang ahensiya sa pait at lungkot na pinagdadaanan ng babae ay kailangan pa rin daw nilang ipaalam dito na lumagpas ito at ang isa pang angkas sa batas-trapiko

- Sa kasalukuyan naman ay umabot na sa mahigit isang milyon na ang views ng video ng sawing babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi pinalagpas ng Land Transportation Office (LTO) ang isang babaeng broken-hearted matapos makita ang viral video nito sa social media.

Sa isang video na in-upload ng babaeng si Rosemarie Peñamora Tan, makikita ang babae kasama at ang isa pang babae at lalaki na nakasakay sa isang single na motor at walang suot na helmet.

Masakit isipin na binalewala niya ang 9 years niyong relasyon pero mas masakit isipin na binabalewala mo ang iyong kapakanan dahil sa maling tao. Maraming nagmamahal sa’yo, Ate Rose Marie (kasama na ang LTO NCR-West),” ayon sa Facebook post ng LTO.

Pero nilinaw ng LTO na ang driver ang siyang mananagot sa insidente at ipatatawag lamang ang dalawang babae para ipaalam sa mga ito ang batas-trapiko.

“Ipapatawag po ang mga angkas upang pagsabihan sila nang sa gayon ay di na pamarisan ng iba ngunit ang drayber pa din ang mananagot dahil wala silang helmet lahat at bilang excess passenger,” sabi pa sa post.

“Prayoridad namin ang iyong kaligtasan. Suotin po ang helmet upang makauwi tayo sa ating pamilyang mahigit pa sa 9 years ang pinagsamahan at pagmamahal na hinding-hindi ka iiwan kailanman,” sabi pa ng ahensiya.

“Sabi nga ng iba, kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo pero huwag mong hayaan na madisgrasya ka dahil lang sa maling tao,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan naman ay umabot na sa mahigit isang milyon na ang views ng video ng sawing babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel