Kawawang Eman! Viral na "basted letter" ng grade 4 student, patok sa netizens

Kawawang Eman! Viral na "basted letter" ng grade 4 student, patok sa netizens

- Bentang-benta sa mga netizens ang paraan ng pambabasted ng isang grade 4 student

- Sa pamamagitan ng isang liham, inilahad ng estudyante ang kanyang tunay na nararamdaman

- Mabilis naman itong nagviral sa social media at umabot sa libo-libo ang shares at comments

- Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Pumatok sa mga netizens ang paraan ng pambabasted ng isang grade 4 student sa kanyang "manliligaw".

Sa pamamagitan ng isang liham, nabasted ng estudyanteng si "Danica" si "Eman" dahil mayroon na raw itong ibang gusto, at ito ay si Inoy.

Ayon pa kay Danica, hindi niya nagustuhan si Eman dahil payat ito. Hindi raw kasi ito kumakain ng gulay.

Bentang-benta naman ito sa ilang netizens na naaliw sa dahilan ng bagets.

Ang larawan ng liham na ito, ibinahagi ng netizen na si Rossane Cadag Badrina sa Facebook at mabilis na nagviral.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 10,000 reactions at 15,000 shares sa FB.

Umani naman ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

May ilang tila naka-relate sa nasabing post at mayroon ding napa-tag sa mga kakilala nilang "Eman".

"Buti nlng kumakain ako ng gulay hahhaa."
"Dapat talaga kumakain ng gulay e."
"Sorry eman di ka kasi kumakain ng gulay hahaha."
"Kawawa naman si eman."
"Practical si ghorl gusto yung mahaba ang buhay, kumakain ng gulay."
"Kakain na ata ako ng gulay."
"Nabasted si eman."
"Di pala siya eh bat ginawan mo pa ng letter!? HAHAHAHA."
"Kawawa nman c eman ang payat kasi hndi nakain ng gulay."
"This is so Funny."
"Alam mo na bakit ayaw sayo? Gulay is the key men."
"That’s why u gotta eat yo greens, Eman."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel