Pinay OFW, nakapagbakasyon sa iba’t-ibang mga bansa bilang DH sa Saudi

Pinay OFW, nakapagbakasyon sa iba’t-ibang mga bansa bilang DH sa Saudi

- Isang Pinay OFW ang nagbahagi ng kanyang kwento bilang domestic helper sa Saudi Arabia

- Kwento niya, sobrang swerte niya sa mga amo niya dahil mabait ang mga ito at sinasama pa siya sa bakasyon nila

- Nakapunta na ang Pinay sa mga lugar na akala niya raw ay sa libro lang niya makikita noon tulad ng London Bridge

- Laking pasalamat ng Pinay dahil kahit siya ay nagpapakahirap sa ibang bansa ay nakakapagbakasyon din siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang nagkwento ng kanyang buhay bilang isang domestic helper sa Saudi Arabia.

Nalaman ng KAMI na dahil sa kanyang trabaho ay nakarating na siya sa iba’t-ibang mga bansa.

Ayon sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Che Che na noon ay naglalaro lang sila ng London Bridge at ngayon ay napuntahan na niya ang totoong tulay nito.

“Dati nong elementary days pa namin...lage namin nilalaro ang LONDON BRIDGE,” sabi nito sa kanyang post.

“’Di ko akalain na darating din pala ang araw na mapuntanhan ko siya at maapakan. Akala ko sa libro ko lang makikita,” dagdag niya pa.

Pinay OFW, nakapagbakasyon sa iba’t-ibang mga bansa bilang DH sa Saudi

Pinay OFW, nakapagbakasyon sa iba’t-ibang mga bansa bilang DH sa Saudi

Kinuwento ng Pinay sa KAMI na laking pasalamat niya nang isama siya ng mga amo niya sa bakasyon nila. Dahil dito, nakapunta siya sa ibang mga bansa tulad ng Germany, Dubai, at Bahrain.

Hindi raw inakala ng Pinay na mapupuntahan niya ang mga lugar na sa libro lang niya nakikita noon.

Pinay OFW, nakapagbakasyon sa iba’t-ibang mga bansa bilang DH sa Saudi

Pinay OFW, nakapagbakasyon sa iba’t-ibang mga bansa bilang DH sa Saudi

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Gusto ko din iinspire ang lahat na kahit pangarap lang makapunta sa lugar na yan, darating din ang panahon na mapupuntahan mo sa di inaasahang pagkakataon,” sabi niya.

“Isa lang akong hamak na d karaniwang tao na magsasaka lamang ang aking pamilya d ko pinangarap na makapunta sa ibat ibang bansa. Pero sa di ko inakala ang dami nang bansang aking napupuntahan,” dagdag niya pa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)