Mga kapatid ni Kobe Bryant, naglabas na ng public statement tungkol sa nangyari sa kapatid
- Nagsalita na ang mga kapatid ng NBA star na si Kobe Bryant tungkol sa nangyari sa kanilang kapatid at pamangkin
- Inilabas nina Sharia Washington and Shaya Tabb ang kanilang public statement kung saan ibinahagi nila ang kanilang pagdadalamhati
- Matatandaang nasawi si Kobe kasama ang kanyang 13 taong gulang na anak kasama ang pito pang katao
- Pinasalamatan din nila ang lahat ng tao na nakiramay at nagpakita ng kanilang pagmamahal sa kanilang kapatid
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naglabas ng kanilang statement ang dalawang kapatid na babae ng NBA star na si Kobe Bryant kasunod ng pagkasawi ng kanilang kapatid at pamangkin dahil sa pagbagsak ng kanilang helicopter na sinasakyan sa Calabasas, California.
Isang public statement ang ibinahagi nina Sharia Washington at Shaya Tabb.
“On behalf of our family, we join Vanessa, Natalia, Bianka and Capri in grieving the loss of Kobe and Gianna in such a tragic accident. We are devastated by the loss of our brother, son, our niece and granddaughter, and our hearts go out to all the families who lost their loved ones on Sunday."
“Our lives are forever changed,” the sisters added, before thanking the public for their “prayers, the numerous calls, texts, emails and cards," anila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bumuhos ang pagdalamhati ng mga tagahanga ng basketbolista sa buong mundo. Kahit ang kanyang mga kapwa manlalaro ay naging emosyonal din sa pag-alala sa naging buhay ni Kobe na kilala din bilang si Black Mamba.
Si Kobe Bryant ay kilalang basketbolista sa koponang Los Angeles Lakers. Bumagsak kamakailan ang helicopter na kanyang sinasakyan na ikinasawi ng walo pang katao kabilang ang kanyang anak na babae.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh