Anak ni Kobe Bryant, kumpirmadong kasama sa mga nasawi

Anak ni Kobe Bryant, kumpirmadong kasama sa mga nasawi

- Kumpirmadong kasama ang 13-anyos na anak ni Kobe Bryant sa mga nasawi sa helicopter crash na kinasangkutan ng NBA legend

- Batay sa mga ulat, papunta sa isang basketball practice ang grupo sa Mamba Academy

- Sinabi ng ilang saksi na narinig muna ang maingay na makina ng helicopter bago tuluyang bumagsak

- Walang survivor sa trahedya at lima ang nasawi kabilang na ang mag-amang Kobe at Gianna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumpirmadong kasama ang 13-anyos na anak ni Kobe Bryant sa mga nasawi sa helicopter crash na kinasangkutan ng NBA legend.

Ang anak nitong si Gianna ay kasama sa apat na iba pang kasama ni Kobe sa kaniyang private helicopter, batay sa mga ulat na lumabas.

Papunta raw sana ang grupo sa Mamba Academy para sa isang basketball practice nitong Linggo ng umaga.

Una nang naiulat ng KAMI ang insidente na naganap bandang 10:00 ng umaga (1800 GMT) sa isang remote area sa Calabasas, California.

Ayon sa mga report, sinabi ng ilang saksi na narinig muna ang maingay na makina ng helicopter bago tuluyang bumagsak

Sa isang ulat ng TMZ, sinabing kinailangan pang akyatin ng mga rumesponde ang lugar.

Sabi pa ng mga awtoridad, nang datnan nila ang binagsakan ng helicopter ay umaapoy na ito at malinaw na walang survivor.

Na-identify ng Federal Aviation Administration ang helicopter na isang Sikorsky S-76. Mag-iimbestiga naman daw ang FAA at National Transportation Safety Board kaugnay nang insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa kung ano ang naging sanhi ng crash.

Kinilala ng buong mundo ang husay at galing Kobe sa basketball hanggang sa mag-retiro ito noong 2015/16 season dahil sa injuries sa tuhod at balikat.

Pagkatapos nito ay nag-focus na lamang ito sa mga negosyo at pagiging pilantropo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel