"Dota boy" na inaukusahan ng pagpapabaya sa nasawing anak, dumepensa
- Nagsalita na ang lalaking inakusahan ng kanyang kinakasama ng pagpapabaya sa kanilang nasawing anak
- Una nang nagviral ang post ng babae tungkol sa diumano'y pagdo-Dota at paggu-goodtime ng lalaki habang nasa kritikal na lagay ang kanilang anak
- Ilang video rin ang lumabas kung saan makikitang nagdo-Dota ito at nagsasaya pa kasama ang mga kaibigan kahit na nasa ospital ang anak
- Ngunit ayon sa lalaki, kasinungalingan lamang ang lahat ng ibinibintang sa kanya ng kinakasama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Nagsalita na ang lalaking inakusahan ng kanyang kinakasama ng pagpapabaya sa kanilang anak na nasawi kamakailan.
Una nang nagviral ang post ng babaeng si Madel Togonon tungkol sa diumano'y pagiging iresponsable ng lalaking si Nico Panerio, na una nang naiulat ng .
Nakarating ang tungkol dito kay Raffy Tulfo at sa kanyang programang Aksyon ay nakapanayam nito ang dalawa.
Ayon sa inirereklamong lalaki, kasinungalingan ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ni Togonon.
Hindi raw nito pinabayaan ang kanilang anak at sinabing pinagbabantaan ng kapatid ng babae ang kanyang buhay.
Ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa burol ng kanilang anak.
Habang ang mga video na kumakalat kung saan makikita siyang nagdo-Dota at nagsasaya ay matagal na raw.
Sabi pa nito, mayroon din daw siyang mga ebidensiya na makakapagpatunay ng kanyang mga ebidensiya.
Giit pa nito, ginagawa lamang daw sa kanya ni Togonon ang ginawa nito sa nauna nitong asawa na pinerahan.
Tumanggi na itong magbigay ng iba pang impormasyon at sinabing sa korte na lamang sila magkita ng kinakasama.
Samantala, ayon naman kay Togonon, mayroon din daw siyang hawak na ebidensiya na mas makakapagdiin sa lalaki.
Pinanindigan nito na ang mga video na lumabas ay kuha habang nasa kritikal na lagay ang anak at mismong kaibigan pa raw ng lalaki ang nagpadala sa kanya.
Nangako naman si Raffy Tulfo ng tulong para kay Togonon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh