Pinay, napaatras sa demand na P100K sa mister na Kano na nagpatulong kay idol

Pinay, napaatras sa demand na P100K sa mister na Kano na nagpatulong kay idol

- Napaatras na lamang ang Pinay na inirereklamo ng kanyang mister na foreigner na nagpunta kay Raffy Tulfo

- Ilang minuto bago sumalang ang complainant na isang Amerikano ay nagdemand pa raw ang misis sa kanya ng P100K

- Ngunit bago pa man matapos ang panayam dito ni idol Raffy ay sinabi nitong binawi na raw ng nawawalang asawa ang hinihinging pera

- Idinulog nito ang problema sa asawang mayroon umanong karelasyong babae at hindi na raw ito nagpakita pa sa mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang Amerikanong si Brian Hughes nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo para ireklamo ang "nawawalang" asawa.

Pero ilang minuto raw bago sumalang si Brian sa programa ay kausap niya pa ang misis na isang Pinay na kinilalang si Jenalyn na nagdemand pa raw ng P100,000.

Ngunit bago pa man matapos ang panayam dito ni idol Raffy ay sinabi nitong binawi na raw ng asawa ang hinihinging pera.

Idinulog nito ang problema kay Jenalyn na mayroon umanong karelasyong babae na si Shiela Tan.

Bukod pa rito ay mas dumalas na raw ang paghingi ng pera ni Jenalyn kay Brian na hindi raw nito alam kung saan ginastos ng babae.

Nagpaunlak naman ng panayam si Shiela at inamin nito na nagkaroon nga sila ng relasyon noon ni Jenalyn.

Ngunit itinanggi nito na nagkikita pa sila ni Jenalyn. Itinanggi rin nito na kasabwat ito sa paghingi ng malaking halaga ng pera kay Brian.

Hindi raw nito alam kung nasaan si Jenalyn at nangakong makikipagtulungan para makausap si Jenalyn na makipag-usap sa mister nito.

Samantala, bagamat hindi naniniwala si Brian sa mga alibi ni Shiela dahil sa mga ebidensiyang mayroon ito, ay wala na raw itong magagawa pa kung ayaw na ni Jenalyn.

Ang nais na lamang nito ay makausap ang asawa at malinawan sa kanilang status.

Handa rin daw itong makipaghiwalay ng legal sa Pinay kahit pa nga minahal na nito ang pamilya ni Jenalyn.

Dahil dito, humanga si Tulfo sa pagmamahal na ibinigay nito sa babae maging sa mga kaanak nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel