Dating adik, nagbagong buhay at binibigyan ng libreng matitirahan ang mga palaboy na sangkot sa ilegal na droga
- Isang lalaki sa United Kingdom ang nagpamalas ng kanyang kabutihang loob matapos magbagong buhay
- Noon ay nakulong siya dahil sa ilegal na droga, ngayon naman ay tinutulungan niya ang mga lulong sa droga magbagong buhay na rin
- Ang kanyang samahan na binuo ay nagbibigay ng libreng matitirahan para sa mga nangangailangan nito pansamantala
- Ngayon ang lalaki ay 28 anyos na at may dalawang anak kaya nagbago na rin ang kanyang mga pananaw sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang lalaki ang nagpatunay na kaya pa rin magbagong buhay ng mga adik matapos nilang makulong.
Nalaman ng KAMI na ang lalaking si Hayden Lee Jessop na mula Leeds, United Kingdom, ay dati nang nakulong dahil sa kanyang paggamit ng ilegal na droga at pagiging marahas.
Sa ulat ng LADbible, nakulong si Hayden noong 2013 sa loob ng 7 linggo. Ngayong siya ay 28 anyos na at may dalawang anak, nagbago na ang kanyang mga pananaw sa buhay.
"Spending time inside changed my life. I went to jail and came out and built a business,” giit niya.
“I was given a second chance, but a lot of young men don't get that,” dagdag niya pa.
Pinamunuan niya ang Vulnerable Citizen Support Leeds kung saan gumagawa sila ng mga maliliit na matitirahan ng mga tao na gawa sa shipping container.
Namimigay si Hayden ng mga matitirahan ng mga taong sangkot sa ilegal na droga at nais na ring magbagong buhay.
Maaari ring tumira ang alagang aso ng mga ito habang sila ay nag-aaral ng basic employment skills.
"We'll get people the help they need, and in return they can repay us by helping to build more homes so we can help even more people,” sabi ni Hayden.
"A lot of the people I help have never been in work. For example if they are from a criminal background and have been in and out of jail,” aniya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh