Yaya na nang-agaw ng mister ng amo, ipadedeport na pabalik ng Pilipinas
- Pinoproseso na ang pagpapa-deport sa naging yaya ng anak ni Elloraine Lamb na umagaw din sa kanyang mister
- Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, pababalikin na ng Pilipinas si Maria Salvacion Masayon na nakaposas
- Hiniling din ni Elloraine na matanggalan ng lisensya bilang nurse ang dati niyang matalik na kaibigan na si Maria Salvacion
- Malaki ang pasasalamat ni Elloraine kay Tulfo sa agarang pag-aksyon nito sa kanyang reklamo na nagdala ng sobrang pahirap sa buhay nilang mag-ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Gumawa ng ingay sa social media ang reklamo ni Elloraine Lamb sa malapit niyang kaibigan at naging yaya ng kanyang anak na si Maria Salvacion Masayon sa programa ni Raffy Tulfo.
Sa unang naiulat ng KAMI, maaalalang isinalaysay ni Elloraine kung paano inahas ng kanyang kaibigan ang kanyang mister.
Pansamantala kasi niyang pinag-alaga si Maria Salvacion ng kanyang baby upang matulungan itong makapagtrabaho sa Canada kung saan sila naninirahan.
Matapos daw kasi sana ng dalawang taong kontrata nito, sigurado nang makakapagtrabaho na ito bilang nurse roon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngunit nabago ang lahat nang madiskubre ni Elloraine na ang malapit niyang kaibigan na nais niyang mapaganda ang buhay ang siya naman sisira ng kanyang pamilya.
Nagawa pa kasi siyang iwan ng kanyang asawa para lamang kay Maria Salvacion kaya naman humingi na siya ng tulong kay Tulfo.
Ipadedeport na pabalik ng bansa si Mari Salvacion at maaring nakaposas itong dumating dito.
Hiniling din ni Elloraine na ma-revoke ang lisensya ni "Salve" dahil isa sa mga grounds nito ang immorality.
Sigurado na ring masasampahan ito ng kaso pagdating nito sa Pilipinas.
Narito ang kabuuan ng episode:
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh