5 na kontrobersyal na balita sa mundo ng showbiz sa taong 2019

5 na kontrobersyal na balita sa mundo ng showbiz sa taong 2019

Maraming netizens ang tumutok sa mga nakakagimbal na kontrobersiya na bumalot samundo ng showbiz sa taong 2019.

Mula sa mga dinaasahang hiwalayan, away ng magkakapatid at mga aksidente sumubaybay ang publiko sa kinalabasan ng mga agaw-eksenang showbiz balitang ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

1. Hiwalayang Gerald at Bea Alonzo

Dumami ang sanga ng balitang hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil sa si umano'y dahilan nito.

Nagsimula ang lahat sa kontrobersyal na larawang binahagi ng isang nagmamalasakit na kaibigan ng aktres na nagpapakita ng larawan ni Gerald at ang minsang naging leading lady nito na si Julia Barretto.

Mula nang sumiklab ang isyu na ito, naging mainit na usap-usapan ang hiwalayan ng dalawa na ang sinasabing sanhi ay walang iba kundi si Julia.

2. Hidwaan ng Barretto sisters

Nakalulungkot isipin na naganap mismo ang pagbabangayan ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine sa mismong burol ng kanilang ama na pumanaw noong Oktubre 15, 2019.

Bagaman at naroon pa mismo ang pangulong Duterte, walang nakapigil sa tatlo sa pagtatalo na naging kontrobersyal dahil sa video na kuha mismo sa mga oras na iyon.

Hindi agad humupa ang hidwaang ito kung saan nagka-ungkatan pa ng ibang isyu tulad na lamang ng akusasyon ni Marjorie sa kapatid niyang si Gretchen na di umano'y may relasyon daw kay Atong Ang.

3. Relasyong Gretchen at Atong Ang

Bilang ang kasama ni Gretchen Barretto sa kanyang pagpunta sa burol ng kanyang ama ay si Atong ang at di ang kanyang partner na si Tony Boy Conjuangco, naging usap-usapan ng bayan ang di umano'y relasyon ng dalawa.

Pinabulaanan naman ito ng businessman na si Atong Ang sa isang exclusive interview na ginawa niya sa panayam ni Noli de Castro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

4. Di umano'y doctor shaming ni Yeng Constantino

Gumawa rin ng ingay ang di umano'y doctor shaming video ni Yeng Constantino.

Binahagi ni Yeng ang kanyang sama ng loob sa hospital kung saan dinala ang kanyang mister na naaksidente at nagkaroon ng pansamantalang memory loss.

Labis na nag-panick ang singer aktres sa pangyayari na siyang pinag-ugatan ng pambabatikos niya sa ospital at doktor kung saan dinala ang kanyang mister.

5. Raffy Tulfo, na-bash ng grupo ng mga guro dahil sa di umano'y maling panghuhusga nito

Di nakawala sa pambabatikos ngilang grupo si Raffy Tulfo matapos na ito ay pumanig ng wala raw basehan sa magulang at lola ng batang dumulog sa kanya.

Inakusahan ang guro ng pamamahiya sa kanyang estudyante na labis na ikinagalit ng ina ng bata at lola nito.

Agad na nahusgahan ng sikat na news anchor at public servant ang guro at sinabing patatanggal ito sa serbisyo at babawian din ito ng lisensya kahit wala pa umanong sapat na basehan.

Umalma ang grupo ng mga teacher at sinabing may due process na nararapat sundin ukol sa isyu.

Mabuti na lamang at namagitan na ang Department of Education sa pangyayari at nagkasundo na lamang ang magkabilang panig.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel