Pinoy Engineer na unang nagdala ng 'internet' sa bansa, pumanaw na
- Pumanaw na nitong Disyembre 26 si Benjamin “Benjie” Tan, ang Pinoy engineer na nagkonekta ng internet sa Pilipinas
- Nagkaroon siya ng cancer sa lymph node na siyang dahilan ng kanyang ilang beses na pagkaka-ospital ngayong taon
- March 29, 1994 ang petsa ng makasaysayang pagkakaroon ng internet ng Pilipinas dahil sa enhinyerong ito
- Binigyang pugay naman siya sa Facebook page ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Disyembre 27
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sumakabilang buhay na nitong Disyembre 26 ang Pinoy engineer na si Benjamin “Benjie” Tan na siyang responsable sa pagkakaroon ng internet connection sa Pilipinas.
Ayon sa Inquirer, cancer sa lymph nodes ang ikinamatay umano ng enhinyero.
Bago pumanaw, tatlong beses na nalagak sa ospital si Tan dahil sa pneumonia at komplikasyon na rin ng cancer na kanyang dinaramdam.
Bilang si Tan ang enhinyero na nagdala ng internet sa bansa, binigyang pugay siya sa Facebook page ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Disyembre 27.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
“Benjamin Tan is one of the pioneers in linking up the country’s first connection to the Internet,” ayon sa post ng DICT.
Binahagi rin ng DICT ang video ng panayam nila noon kay Tan nang sumapit ang ika-25 anibersaryo ng pagkakaroon ng internet connection sa bansa.
Sa video, binalikan ni Tan ang makasaysayang pagkakaroon ng internet sa Pilipinas na naganap noong Marso 29, 1994.
Walang ibang hangad ang Pinoy Engineer na ito kundi ang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng internet sa ating bansa.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh