Lakas ng dating! Artistahing Grab Food driver, nagpakilig sa social media
- Talagang umani ng paghanga ang isang Grab Food driver mula sa mga netizens lalo na sa mga kababaihan
- Sa isang viral post sa Facebook, spotted ang gwapong lalaki na nagdeliver ng pagkain sa isang customer
- Marami sa mga netizens ang hindi napigilang mag-comment sa kagwapuhan nito
- Habang ang iba naman tila hindi naman natuwa dahil dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Nagpakilig at talaga namang umani ng paghanga ang isang binatang Grab Food driver mula sa mga netizens, partikular na sa mga kababaihan.
Marami ang hindi talaga napigilang magkomento sa viral post ng Facebook page na Pogi kung saan ibinahagi ang ilang larawan ng binata habang nagdedeliver sa isa nitong customer.
Sa lakas ng dating ng gwapong Grab Food driver umabot sa mahigit 11K ang shares nito sa Facebook habang mahigit 9K naman ang reactions na nakuha nito.
Ang ilang netizens nga, gusto na raw magpadeliver ng food agad-agad sa binata.
"magpapadeliver ako dito mga dis oras na ng gabi ung tulog na ung mga tao sa bahay tapos mahihimatay ako kunwari papatulong ako iakyat sa kwarto.. tapos dun na ako magpapasalamat."
"Paorder nga po isang kilong pagmamahal."
"Kyah pasok ka hanggang kwarto baka napapagod ka. Pahinga ka muna."
"Ai pasok ka po... Sorry Wala akong bahay sa puso ko po pasok n pasok hahahhaha."
"Wala ata kaming ulam ngyon ni ica papadeliver lng ako kay koya."
Pero kung marami ang kinilig at natuwa sa post na ito, may ilan din namang hindi nagustuhan ito.
"ang unfair ng mundo pag panget nag order di nyu pinopost ng ganyan pero pag pogi putcha post agad!!! Sana all!"
"Yun naman talaga ang reyalidad ng buhay. Mukha ang pinagbabasehan."
"yan tayo eh . kapag pogi nagdeliver pasok ka hanggang sa loob ng bahay pero kapag pangit nagdeliver sasabihin wag kang papasok sa gate hindi nakatali aso namin."
"Basta gwapo walang alinlangan papasukin sa bahay. Jusko puro pogi lng Pala alam niyo."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh