Babae, nagitla sa ginawa ng lasing na nakaalitan niya sa isang jeep

Babae, nagitla sa ginawa ng lasing na nakaalitan niya sa isang jeep

- Umani ng sari-saring reaksyon ang viral video ng isang babae na sinapak ng isang lasing na nakaalitan nito sa jeep

- Ayon sa pasaherong lasing, nasanggi umano niya ang babae na nasa dulong bahagi ng jeep malapit sa pinto

- Dahil umano rito kaya galit na galit ang babae at pilit itong pinabababa

- Nasapak naman ng lasing ang babae matapos itong sunggaban ng huli sa loob ng jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens ang viral video kung saan sinapak ng isang lalaking lasing ang babaeng nakaalitan nito sa isang jeep.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na The VLOG, makikita pa ang insidente.

Sa unang bahagi, maririnig at makikita ang babae na pilit pinabababa ang lalaki habang sinisigawan ito.

Ngunit tumanggi ang lalaking lasing na bumaba mula sa jeep.

Ayon naman dito, nasanggi niya ang babae (hindi na nabanggit kung saang bahagi) na nakapwesto sa dulong bahagi ng jeep, malapit sa pinto.

Dahil umano rito kung kaya galit na galit ang babae kaya siya pinabababa. Ito rin ang maririnig na sinabi ng ilang saksi sa loob ng jeep.

Maya-maya pa'y biglang tumayo ang babae para puntahan ang lalaki at bigla itong hinampas ng bag nito.

Gumanti naman ang lalaki at sinapak na nga ang babae na biglang napatigil at napahawak sa mukha.

Maririnig din sa video nang pagbantaan ng babae ang kaalitang lasing.

Nagpatawag naman ng pulis ang babae sa ilang taon roon at 'di rin nagtagal nang may dumating na isang lalaki na sibilyan.

Pinababa nito ang lasing na lalaki at kinuwestyon kung bakit nito pinatulan ang babae na ipinakita pa sa lalaki ang mukha na nasapak ng lalaki.

Agad naman nitong pinababa ang dalawa mula sa jeep dahil nakakaabala na rin ang mga ito sa iba pang pasahero.

Nang makababa naman ang mga ito, maririnig sa ilang naroon sa jeep at nakasaksi sa insidente na sinabing parehong may mali ang dalawa.

"Kong Wala nman ginagawa sayong masama Ang taong lasing hayaan mo nlang hnd ung grabe bunganga ni ate."

"Ang layu-layo naman kasi ni kuyang lasing sayo ate, para makarating ka sa pwesto niya pra manghampas ng bag? natural lasing si kuya walang ginagawa sayo hahampasin mo ng bag dhil lang ayaw bumaba ng jeep? natural gaganti yun lasing ee.. sana ikaw na lang nag adjust. ang lakas mo mag reklamo e, hindi nman ikaw ang katabi ni kuyang lasing kung makapag react ka."

"Kung makasigaw ka la mo inagawan ng kayamanan... Bumili ka ng sarili mong Car Girl."

"C ate yata yung lasing ehh.. Mas matinO Pa nga magsalita si kuya. Kung maka utos ng Baba kay kuya kala nya siya yung nag mamay-ari ng JEep."

"Hahahaha kung ayaw mong masagi wag kana sumakay ng jeep ate shempre lasing yan dka naman papatulan nyan kung dmo hinampas ng bag eh saka maayos naman pinapakita ni kuya kahit lasing haha maarte ka lang talaga."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel