QC Court: 3 biktima sa brutal na Maguindanao massacre, ginahasa rin

QC Court: 3 biktima sa brutal na Maguindanao massacre, ginahasa rin

- Nakitaan ng senyales ng panggagahasa ang tatlong babaeng biktima sa Maguindanao massacre ayon sa Quezon City Court

- Ito ay ayon sa autopsy na isinagawa ng PNP Crime Laboratory

- Kinilala ang mga ito na sina Rahima Palawan, Leah Dalmacio at Cecil Lechonsito

- Bukod sa pang-aabuso, ibinahagi rin ng mga awtoridad ang brutal na pagpatay sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Karumal-dumal at hindi makatao ang sinapit ng mga biktima ng Maguindano massacre noong 2009.

Sa isang report ng PhilStar, bukod sa brutal na pagpatay sa mga ito, may tatlong babaeng biktima ang positibong ginahasa ayon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221.

Ito ay base sa lumabas sa autopsy report na isinagawa ni PNP Crime Laboratory medico-legal officer Dean Cabrera kung saan sinabing: "some of the female victims tested positive for the presence of semen."

Kinilala ang mga ito na sina Rahima Palawan, Leah Dalmacio at Cecil Lechonsito.

Ayon pa sa report, nagtamo ng apat na tama ng bala si Palawan mula sa dalawa o mahigit pang suspek.

Kasama si Palawan sa convoy ng grupo na magpa-file ng certificate of candidacy sa pagka-goberbador ni Esmael "Toto" Mangudadatu noong 2009 matapos imbitahan ng misis ni Toto na si Bai Genalin Mangudadatu.

Samantala, si Dalmacio naman na dating associate editor ng Soccsksargen Today at columnist ng News Focus, ay nagtamo naman ng siyam na tama ng bala sa ulo at iba't-ibang parte ng katawan.

Bukod dito, pinutol din ang ring finger nito sa kaliwang kamay matapos patayin. At ayon sa medico-legal ay dumanas ito ng labis na sakit.

Samantala, si Lechonsito naman ay nagtamo ng pitong tama ng bala mula sa dalawa o mahigit pang suspek. Posible rin na binaril ito sa malapitan at harapan dahil sa isang tama ng bala na pumasok sa dila nito.

Napag-alaman naman na hindi kasali si Lechonsito sa Mangudadatu convoy at papunta lang sana sa Cotabato City Hospital para patignan ang kanyang asawa.

Matapos ang sampung taon, nahatulan ng guilty ang 43 suspek sa malagim na krimen kabilang na ang isa sa mga itinuturong utak nito na si Datu Andal Ampatuan Jr., sa ilalim ng sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone