Tricycle driver na tinulungan ang 1 lola sa pagtawid, hinangaan online
- Kahanga-hanga ang ginawa ng isang tricycle driver na tinulungan ang isang matandang babae sa pagtawid sa kalsada
- Nakuhanan ng video ang ginawang ito ng driver na umani ng papuri online
- Makikita pa sa viral video ang matiyaga nitong pag-alalay sa matanda na dahan-dahang paglalakad
- Pagkatapos nito ay agad ding sumakay sa kanyang tricycle ang kahanga-hangang driver
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Umani ng papuri online ang isang tricycle driver na nakuhanan ng video habang inaalalayan ang isang matandang babae na hirap nang maglakad sa pagtawid sa isang kalsada sa Iloilo City.
Sa video na in-upload ng Facebook page na Federation Fire, makikita pa ang matiyagang pag-alalay nito sa matanda.
Pagkatapos nitong maitawid ang matanda ay agad din itong bumalik sa kanyang tricycle.
Samantala, naiulat din ng ABS-CBN News ang tungkol sa pagtulong nito na kinilalang si Ireneo Villanueva, 33-anyos.
Ayon sa ulat ay hindi ito ang unang beses na tumulong si Villanueva sa mga matatanda sa pagtawid.
Proud din ang nanay nito na si aling Grace sa ginawa ng anak dahil hindi ito nakalimot na tumulong sa kapwa kahit sila ay mahirap lang.
Narito ang kabuuan ng viral na FB post:
"Was driving along this street, when the tricycle in front of me suddenly stopped. It was a busy street and stopping for just a few seconds would cause traffic congestion.
"Cars behind me started honking. But instead of getting mad at the tricycle driver, I took out my phone and started taking this video.
"Manong driver got out of his tricycle and helped lola cross the street. Not until he brought her safely to the other side of the street, did he return to his tricycle and drove away.
"Good men that gives out random acts of kindness still exist... very good si manong."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh