Babaeng nagwala at nambato ng saleslady sa mall, nanakit pa ng pulis sa presinto

Babaeng nagwala at nambato ng saleslady sa mall, nanakit pa ng pulis sa presinto

- Patong patong na kaso na ang kakaharapin ng babaeng nagwala at nanakit ng saleslady sa mall

- Agad na nadakip ang babae na tumangging magbigay ng pahayag ukol sa nangyari

- Ayon naman sa saleslady, pinaalalahanan lamang niya ang customer na ingatang huwag matapon ang produkto na ikinagalit naman nito

- Suportado naman ang saleslady ng kompanya ayon sa assistant operations manager nito

- Nagawa pa umanong gumawa muli nang eksena ng babae nang dakpin ito ng mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nahaharap na sa patong-patong na kaso ang babaeng customer na nambato ng humidifier sa saleslady sa isang mall sa Cabu City.

Ayon sa Yahoo, sinampahan na ng limang kaso si Medelina Yamazaki na isinampa mismo ng saleslady na si Jennifer Fabillar sa Cebu City Prosecutor’s Office nitong Lunes, Disyembre 9.

Grave threat, malicious mischief, physical injury, unjust vexation at damage to property ang mga kasong kakaharapin ni Yamazaki.

Sususportahan naman ng kompanya si Fabillar ayon sa assistant operations manager na si Sherryl Guevarra.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sisiguraduhin din nilang sasailalim ang empleyado sa stress debriefing dahil sa nangyari

Mabilis na nag-viral ang video nito kung saan kitang-kita kung paano niya minura, sinigaw-sigawan at binato ng produkto ang saleslady ng Mia Maison.

Agad ding nadakip ang customer at nadala Mabolo Police Station. Doon, nalaman nilang pinaalalahanan lamang ni Fabillar si Yamazaki na ingatang huwag matapon ang produkto na ikinagalit naman ng customer.

Pahayag pa ni Staff Sgt. Enrique Manolong, maayos na sumama si Yamazaki ngunit nang dumating sa presinto, nakuha nitong magwala at manampal pa ng isang pulis.

Kinumbinsi pa umano nilang humingi ng tawad ang customer sa saleslady ngunit nagmatigas pa rin ito at sinabihan pa ang pulis na wala umano itong karapatang sabihan siya nang kanyang dapat gawin.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel