Estudyante, arestado dahil sa kanyang FB post tungkol sa puting van
-Arestado ang isang 21-anyos na estudyante sa Cebu City matapos nitong magpakalat ng fake news sa social media
-Ayon sa ilang ulat, nag-post ang estudyante sa Facebook tungkol sa bigong pangingidnap ng ilang kalalakihang sakay ng isang puting van
-Nangyari ito sa kalagitnaan ng mainit na balita ng sunod-sunod na pagkawala ng ilang kabataan sa Metro Manila
-Umabot sa libo-libong reactions mula sa mga netizens ang post ng estudyante bago ito nabura
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Arestado ang isang 21-anyos na estudyante sa Cebu City matapos nitong magpakalat ng fake news sa social media.
Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, nag-post ang estudyante sa Facebook tungkol sa diumano'y bigong pangingidnap ng ilang kalalakihan na sakay ng isang puting van.
Mabilis na kumalat ang nasabing post ng binata na naging sanhi ng panic sa mga Cebuanos.
Isang statement naman ang inilabas ng Police Regional Office-7 kaugnay ng insidente base sa ulat ng Rappler (Author, Ryan Macasero).
"This happened amidst reports of abductions of teenagers by still unidentified groups of men using vans in Metro Manila. News reports said the abducted victims were being harvested of their vital organs for unknown reason," sabi sa statement.
Ayon naman kay City police chief Lieutenant Colonel Maribel Getigan, mula sa Danao City ang estudyante at naghahanda na ang mga awtoridad para sampahan ito ng kaso.
"We are preparing a criminal case for violation of the Revised Penal Code, particularly Alarm and Scandal in relation to (cybercrime law), Section 6, Republic Act 10175," ani Getigan.
"He is up for psychological assessment whether or not he is on his normal state of mind," dagdag pa nito. "His action of posting malicious message to the social media had caused panic to the public which is tantamount to criminal offense."
Napag-alaman naman ng KAMI na umani na ng libo-libong reactions ang post ng estudyante bago ito nabura sa Facebook.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh