Produkto ng ALS, rank 1 sa Licensure Examinations for Teachers

Produkto ng ALS, rank 1 sa Licensure Examinations for Teachers

- Marami ang bumilib kay Teacher Kezia na pagiging rank 1 sa Licensure Examinations for Teachers

- Bagaman at di niya nadaanan ang bawat level ng basic education, nakapasa naman siya sa Alternative Learning System o ALS

- Nang tumungtong pa siya sa kolehiyo, nagtapos siya ng may mataas na karangalan

- Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan nang malaman na siya ang top 1 a 2019 LET

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang kwento ng tagumpay ng guro na si Kezia Keren Ambag sa pagsungkit niya ng unang pwesto sa Licensure Examinations for Teachers (LET) ngayong taon.

Ayon sa The Summit Express, produkto si Teacher Kezia ng Alternative Learning System o ALS. Ito ay isang progrma ng Kto12 curriculum kung saan mabibigyan ng pagkakataon na makabalik ng paaralan ang isang indibidwal kahit pa siya ay overage niya sa nararapat lamang niya na grade level.

Kung makapasa rito, gaya ng nangyari kay Teacher Kezia, di na kailangan pang dumaan sa bawat elementary grade.

Nang makatapos sa progrmang ito, Pumasok naman siya sa Philippine Normal Mindanao kung saan siya nagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education (BEEd).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At di lamang siya nakatapos ng kolehiyo, nakatanggap pa siya ng mataas na karangalan.

Wala nang sinayang pang sandali ni Teacher Kezia at nag-review na agad siya para sa LET.

Labis daw ang kanyang kasiyahan nang malamang siya ang rank number 1 sa board exams.

Sulit daw kasi ang lahat ng hirap at sakripisyo na kanyang nagawa at napagdaanan.

Bagaman at may dalawa pa siyang kasama sa pwesto, masasabing maswerte pa rin siya na nakakuha ng score na 92.60%.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica