Magkaibigan, kalaboso dahil sa pagkakalat ng tsismis

Magkaibigan, kalaboso dahil sa pagkakalat ng tsismis

- Arestado ang dalawang babaeng magkaibigan sa Cebu matapos mapatunayan na nagkakalat ang mga ito ng tsismis

- Nadiskubre kasi ng isang ginang ang mga paninira ng mga ito sa kanya at sa kanyang buong pamilya

- At ang lahat ng paninira ng mga ito ay idinadaan sa social media sa pamamagitan ng isang group chat

- Masakit naman para sa ginang ang mga nalamang paninira ng mga ito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Arestado ang dalawang magkaibigan na sina Mary Grace Catapan, 21-anyos at si Jhallyn Gequillo Varga, 35-anyos dahil sa kanilang pagkakalat ng tsismis.

Ayon sa ulat ng SunStar Cebu (Author, Arnold Y. Bustamante), residente ang mga ito ng Barangay Sudlonon at Barangay Gairan, Bogo City, Cebu.

Inireklamo ng ginang na si "Aileen" ('di niya tunay na pangalan) ang dalawa matapos nitong madiskubre ang paninira ng mga ito sa kanya at sa kanyang pamilya.

At ang lahat ng paninira ng mga ito ay idinadaan sa social media sa pamamagitan ng isang group chat, base naman sa ulat ng The News Spy (Author, Oliver Natividad).

"Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan.

"Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya.

"Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba," anito.

Ayon kay Aileen, 10 tao ang miyembro o kasali sa naturang group chat.

Bukod sa pagkakalat na mayroon siyang bipolar disorder, sinabi rin umano ng mga ito na siya ay kabit.

Nagbanta rin umano ang mga ito na siya ay "ipapa-tokhang" at isisilid sa septic tank.

Maging ang kanyang mister ay inakusahan din ng mga ito na isang magnanakaw.

In-edit din daw ng mga ito ang kanilang mga larawan para pagkatuwaan.

Dahil sa mga natuklasan, kinasuhan ni Aileen ang mga ito at ayon naman kay Judge na si Ramon Daomilas Jr. nilabag ng mga ito ang Section 4 (c) ng Republic Act 10175 o tinatawag na Cyber Libel.

Napag-alaman ng KAMI na nakapag-piyansa ang mga ito ng halagang P36,000.

Ngunit maaaring makulong ang mga ito ng anim na buwan hanggang dalawang taon.

Labis naman ang sakit na naramdaman ni Aileen dahil sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone