Binata, nagkakaron ng buwanang dalaw; kumpirmadong mayroong matres
- Nananawagan ng tulong ang isang binata sa Oriental Mindoro para maipatanggal ang kanyang matres
- Kinumpirma kasi ng isang espesyalista na mayroon itong matres kahit isa itong tunay na lalaki
-At nagsimula raw siyang reglahin noong siya ay 12 taong gulang pa lamang
-Ang kanyang kondisyon ay nangyayari raw talaga sa ilang kaso ayon sa isang doktor
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Nananawagan ng tulong ang binatang si Noel mula sa Oriental Mindoro para maipantanggal ang kanyang matres.
Kinumpirma kasi ng isang espesyalista na mayroong matres ang binata kahit pa mayroon itong ari ng isang lalaki na tinatawag na 'true hermaphrodite'.
Ayon kay Noel, nagsimula ang lahat noong siya ay 12 taong gulang pa lamang at makaranas ng pagdurugo, ayon sa panayam dito ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).
Takot at pag-aalala ang una nitong naramdaman nang makita ang dugo na noong una raw ay patak-patak lamang.
Ngunit nang tumagal ay tumatagal na raw ito lima hanggang pitong araw at kusa ring titigil. Marami na rin daw ang lumalabas na dugo mula sa kanya.
Inakala pa nga raw ng binata na mayroon siyang malubhang sakit.
Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi raw nagtatagal ang lahat ng kanyang naging relasyon.
Pero paliwanag ng doktor, nangyayari raw talaga ang male menstruation sa iilang kaso. Posible raw na magkaroon nito ang lalaking nagkasakit sa atay o mga lalaking obese.
Ngunit para kay Noel, hindi nito matanggap na mayroon siyang ganitong kalagayan kung kaya nais sana nito na maalis ang kanyang matres.
Ayon naman sa doktor na sumuri sa binata, maaari naman na hindi ito tanggalin ngunit pagtagal ng panahon ay posible raw itong tubuan ng mga bukol.
Iminungkahi nito na alisin na lamang ang matres ni Noel dahil hindi naman daw ito kailangan ng binata.
Sa mga nais tumulong kay Noel, maaaring magbigay ng donasyon sa bank account mula sa Facebook page ng KMJS.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions
Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI
Source: KAMI.com.gh