Limang dapat gawin upang maging maayos ang pakikitungo sa mga biyenan

Limang dapat gawin upang maging maayos ang pakikitungo sa mga biyenan

- Maswerte ka na raw kung makahanap ka ng biyenan na kasundo mo agad matapos ang kasal

- Madalas kasing nagkakaroon ng problema ang babae sa biyenan na pakiramdam ay kahati na sa atensyon sa lalaki

- Mainam na malaman kung ano ang mga paraan upang maging matiwasay ang pakikitungo sa mga biyenan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Madalas na nagiging isyu ng bagong kasal ang pakikitungo ng mga biyenan sa babaeng pinakasalan ng kanilang anak.

Maswerte ka na nga raw na maituturing kung gusto ka na agad ng iyong biyenan at nakuha mo na agad ang kiliti nito.

Sadyang mula ulo hanggang paa ang pagkilatis ng mga biyenan sa kanilang manugang na babae dahil minsan, tingin nila rito ay kaagaw nila ng oras sa kanilang anak.

Kaya naman, mainam na malaman kung ano nga ba ang iba't ibang paraan upang maayos na mapakisamahan ang mga magulang ng taong iyong pinakasalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binahagi ng programa ng DZMM na 'Sakto' ang ilang tips kung paano makakasundo ang inyong pinakamamahal na mga biyenan.

1. Ipakita mo na mahal mo ang kanilang anak. Mahalagang maipakita mong kaya mo pinakasalan ang kanilang anak ay dahil mahal mo ito.

2. Ipamalas din na kaya mong alagaan ang kanilang anak ng halos katulad na rin ng pagsasakripisyo nila rito.

3. Huwag ipakitang kayo ay kakompitensya nila sa oras at atensyon ng kanilang anak. Bagkus, iparamdam na tanggap mo ang tungkulin ng iyong asawa bilang anak ng kanilang mga magulang.

4. Mas mainam na magpasakal ng late 20's upang kahit na paano ay mayroon nang maayos na trabaho ang nag-iibigan at di ito maging mitsa ng pagkamuhi ng mga biyenan. Baka kasi sa kanila pa raw iasa ang mga gastusin sa kasal at sa buhay mag-asawa.

5. Ipakita ang iyong respeto sa kanila bilang dapat na ituring mo na rin silang iyong mga magulang.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica