Guro, nanindigan kaugnay sa pagdidisiplina niya sa kanyang estudyante

Guro, nanindigan kaugnay sa pagdidisiplina niya sa kanyang estudyante

- Isang guro ang nagbahagi ng kanyang saloobin hinggil sa tumitinding usapin tungkol sa pagdidisiplina ng mga guro sa kanilang mga estudyante

- Ito ay matapos umani ng batikos ang magulang na nagtungo sa isang sikat na programa upang humingi diumano ng tulong

- Nireklamo nila ang isang guro na diumano ay nagpahiya sa kanilang anak

- Sa kabutihang palad, hindi natuloy ang pagpapatanggal sa lisensiya ng guro matapos umalma ang publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanindigan ang isang guro hinggil sa kanyang prinsipyo tungkol sa pagdidisiplina sa kanyang estudyante. Sa isang Facebook post, inihayag ng Facebook Page na may pangalang Khlevin Set Go ang kanyang saloobin tungkol sa isa sa pinakapinag-uusapang topic ngayon sa social media, ang teacher shaming.

Nag-ugat ang isyung ito matapos magreklamo ang isang lola at magulang ng isang mag-aaral sa programa ni Raffy Tulfo. Ayon sa kanila, nais nilang panagutin ang isang gurong nagpahiya sa kanilang anak.

Ayon sa Facebook post, anuman ang pinatupad na batas, sumang-ayon lang ang mga guro. Gayunpaman, ibinahagi niya ang hirap ng mga guro pagdating sa pagdidisiplina sa ng bata.

"EDUCATION should start from HOME. Nauso lang si Tulfo, tulfo na agad? Walang Principal or Guidance Councilor?" aniya.

Dagdag pa niya, ang mga pagbabagong ito sa sistema ng edukasyon ay ilan sa mga dahilan kung bakit nabibigla ang mga bata kapag kailangan na nilang sumalang sa trabaho.

"Kaya ang mga bata nacu-culture shock pagdating sa trabaho eh. Kasi, all this time akala nila 'Baby' sila. Hindi ko pinagkakatuwaan ang mga tao na dumaranas ng trauma or depression, pero mas mato-trauma 'yung mga 'yan, dahil akala nila Glitters and Rainbows ang reality ng buhay."

Kinondena din niya ang pamamahiya sa kapwa guro dahil lamang sa ginawa nitong pagdisiplina sa kanyang mag-aaral.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nanindigan siyang hindi niya palalampasin ang mga estudyanteng walang galang.

"Remove my license to teach all you want, but I will never 'baby' your '17 year old - palasagot - pacool - bastos - feeling entitled' kid!”

Matatandaang umani ng pambabatikos ang naging pasya ni Raffy Tulfo tungkol sa isang gurong inireklamo ng magulang ng isa sa kanyang estudyante. Ito ay matapos paupuin sa labas ng silid-aralan ng guro ang isang mag-aaral na nakipag-away sa kanyang kaklase. Dagdag pa dito, hindi nadala ng mag-aaral ang report card niya.

Sa naunang ulat, naghayag ng kanyang saloobin si Raffy Tulfo hinggil sa naging reaksiyon ng netizens sa diumano'y teacher shaming.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird!. Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactionson KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate