Dabarkads, windang sa ina na may 24 anak at nanganak na walang tulong ng doktor

Dabarkads, windang sa ina na may 24 anak at nanganak na walang tulong ng doktor

-Windang ang mga Dabarkads sa isang ginang na nagkaroon ng 24 na anak mula sa kanyang dalawang mister

-At walo sa mga ito ay ipinanganak niya nang walang tulong ng doktor o kahit na midwife

-Katulong naman daw nito ang mister kapag siya ay nanganganak

-16 ang naging anak nito sa unang asawa habang walo naman sa ikalawang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nawindang at halos hindi makapaniwala ang Dabarkads sa Eat Bulaga sa isang ginang na mayroong 24 na anak.

Sa isang segment ng pinakamatagal na noontime variety show sa Pinas na "Bawal Judgemental" noong November 22 , isa sa mga kalahok na si aling Elena ang talaga namang hinangaan ng mga ito.

Bukod kasi sa maraming anak na umabot nga sa dalawang dosena ay napag-alaman pang walo sa mga ito ay ipinanganak nito nang walang tulong ng doktor o midwife.

Maging ang mga haligi ng nasabing Kapuso program na sina Vic Sotto at Joey De Leon ay halatang nawindang din sa nalaman.

Kita rin ang gulat sa mga mukha nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros na siyang nag-interview kay aling Elena.

Ayon sa ginang, 16 ang anak nito sa unang asawa at walo naman sa ikalawang mister nito.

Para sa kanya, madali na lamang daw ang manganak at katulong naman daw nito ang kanyang mister na nagpapaanak ng baboy.

Anito, si mister na rin ang siyang pumutol sa pusod ng walong anak nila na ipinanganak niya nang walang tulong ng doktor o kahit kumadrona.

Malayo raw kasi ang kanilang bahay sa center o sa mga ospital.

Maging ang contestant na nasabing segment na si Philip Lazaro ay "shookt" din at 'di makapaniwala sa nalaman kay aling Elena.

Sa katunayan ay kasama pa ni aling Elena ang ilan sa kanyang mga anak sa studio at game na game na sinabi ang mga pangalan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone