Estudyanteng nagtitinda sa kanilang school, hinangaan din sa pagkanta

Estudyanteng nagtitinda sa kanilang school, hinangaan din sa pagkanta

-Bukod sa abilidad, hinangaan din sa kanyang galing sa pagkanta ang isang estudyante sa Rizal

-Nagviral ang estudyante matapos itong makuhanan ng video nang minsan itong hingan ng sampol sa loob ng isang classroom

-Ayon sa uploader, napadaan lang ang estudyante para magbenta ng paninda nito na graham balls

-Nagtitinda raw ito para may maipangdagdag sa baon nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Talagang marami ang napabilib sa isang senior high school student sa Cainta, Rizal dahil sa kanyang galing sa pagkanta.

Nagviral ang estudyante na kinilalang si Mark Romeo Martinez matapos itong makuhanan ng video habang kumakanta sa loob ng isang classroom.

Ayon sa ulat ng GMA News, napadaan lamang ito roon para magtinda ng graham balls.

Napag-alaman kasi na nagtitinda si Martinez para may maipangdagdag sa baon nito.

At dahil alam daw ng guro na mahusay ito sa pagkanta ay hiningan ito ng sampol na hindi naman binigo ni Martinez.

Kinanta ng binata ang kantang "Bulong" ng bandang December Avenue.

At ayon pa sa ulat, maging ang miyembro ng nasabing banda na si Zel Bautista ay napahanga rin sa galing ni Martinez.

Estudyante si Martinez sa ICCT Colleges, Cainta Main Campus.

Umani rin ito ng papuri mula sa mga netizens na hanga hindi lang sa husay nito sa pagkanta kung hindi maging sa kanyang abilidad sa buhay.

Isa lamang si Martinez sa mga estudyanteng hindi hinahayaang harangan ng mga pagsubok o hirap ng buhay ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Paniguradong proud na proud ang kanyang mga magulang dahil kinikilala ngayon ng marami ang kanyang talento at pagka-bibo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone