Larawan ng bata at ng aso nito na magkayakap, umantig sa puso ng marami

Larawan ng bata at ng aso nito na magkayakap, umantig sa puso ng marami

- Hindi naiwasang maantig ang puso ng maraming netizens sa larawan ng isang bata na kayakap ang kanyang alagang aso

- Sa larawang ibinahagi ng isang netizen, makikita ang bata na natutulog sa isang gilid ng kalsada

- kapansin-pansin na nakayakap dito ang alagang aso na tila pananggalang sa lamig at nagsilbing kumot nito

- Maraming puso ang napukaw sa larawang ito at talagang umani ng shares sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naiwasan ng maraming netizens ang maantig ang puso sa larawang ibinahagi ng isang netizen sa social media.

Larawan ng pagmamahal ang isang bata at ang alagang aso nito.

Sa Facebook post ng netizen na si Maria Kabs, makikita ang isang batang lalaki na natutulog sa isang gilid ng kalsada.

Habang nakayakap naman at nakapatong sa dibdib nito ang aso.

"A dog doesn't care if you are rich or poor. All he knows is that he loves you very much. Please share," ayon sa caption ni Kabs.

Marami ang napukaw ang damdamin dahil dito.

"nakakaiyak naman 'to."

"The puppy looks clean and healthy. Nakakatuwa na inaalagaan sya mabuti nung bata despite of his situation. Sana may magalaga at magmahal din sa bata just like what he's doing with his dog."

"I wonder how are they now?"

"Kamusta na cla ngayon? And san cla pde mapuntahan pra maabutan ng tulong?"

"Loyal than any other living things on earth... Dogs. Be strong kiddo and God bless."

"Sana buhay naman ng batang ito ang nasa MAALA ALA MO KAYA."

Marami rin ang nagpahayag ng pagnanais na tulungan ang bata at maging ang aso nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel