Misis, sinurpresa si mister dahil sa pagiging ‘The Best Husband’ nito

Misis, sinurpresa si mister dahil sa pagiging ‘The Best Husband’ nito

- Isang video sa social media ang nagpamalas ng labis na pagmamahal ng isang misis sa asawa niya

- Nagbigay ng surpresa si misis para kay mister dahil sa pagiging “best husband” nito sa kanya

- Isang delivery boy ang nagdala ng bulaklak, doughnuts, cake, at iba pang regalo para kay mister

- Naging emosyonal naman si mister nang masurpresa siya at matanggap ang mga regalo para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Proud na proud ang isang misis sa kanyang asawa dahil sa pagiging “the best husband” nito.

Nalaman ng KAMI na mabait, mapagmahal, maalaga, masipag, at walang bisyo si mister.

Sa Facebook video ng Zu-Man Paniqui, makikita na inabot ng delivery boy ang maraming regalo para kay mister. Ilan na nga rito ang bulaklak, doughnuts, at cake.

Labis naman ang tuwa ni mister nang surpresahin siya at matanggap ang mga regalo.

“Thank You Mahal ... Thank you My Captain...MY Hero ...THE Best Dad, Husband, and Son sa magulang.nakakaproud may ganito pang lalaki na mabait mapagmahal at maalaga masipag.. Walang bisyo,” sabi ni misis.

Kwento ni misis, kahit na pagod sa trabaho si mister, tumutulong pa rin ito sa gawaing bahay.

“Tapos kapag dating dito s bahay tutulungan nya ako maglinis magtrabaho dito sa bahay. Maglaba. Magluto. Magtatanim pa halaman. Magdidilig. Magaalaga sa mga anak. Driver. Taong bahay.etc,” giit ni misis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa nito, laging inuuna ni mister ang pamilya nila. Kaya naman, proud na proud siya sa asawa niya. Nais ni misis na makapagbigay inspirasyon sa ibang mga tao na tila may lalaki pang gagawin ang lahat para sa pamilya.

“Pagmamahal na Unconditional. Gagawin lahat ng ikakabuti para sa pamilya, kahit pagod galing trabaho,” sabi ni misis.

“Sana mainspire po ang marami, na may lalaking mapagmahal maalaga mahal na mahal ang pamilya sobrang sipag. SuperMan super Hero ng bayan, mga tao alam nila kasi kpag napapadaan mga tao nakikita talaga nila na masipag asawa ko nakakaproud, na ipagmamalaki mo, na proud ka at naging asawa ko xa,” dagdag pa nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sarah G. and Matteo Are Finally Engaged – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel