Ahron Villena, may ipinangako kay Kakai Bautista

Ahron Villena, may ipinangako kay Kakai Bautista

- Ibinuking ni Kakai Bautista na pinangakuan daw siya ni Ahron Villena na pakakasalan siya

- Ngunit mangyayari lamang ito kapag nasa edad 35 na ang aktor at wala pa ring asawa

- Matatandaang naging usap-usapan na nagkaroon ng relasyon noon sina Kakai at Ahron

- Gayunpaman, hindi naging happy ending ang relasyon nila noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng komedyanteng si Kakai Bautista na pinangakuan diumano siya ni Ahron Villena ng kasal pag nasa edad 35 na ang aktor at wala pa ring asawa. Hindi man naging tuloy-tuloy ang napabalitang namuong pagtitinginan nila noon, naging mabuti nang magkaibigan sila ng aktor matapos ang kanilang tampuhan.

"Pero kasi, feeling ko kasi, ang ganda ng nangyari na kahit ganoon na naging sensational kasi, mas maganda 'yung relationship namin ngayon as friends, gano'n. Hindi na kami nahihiyang magsabi ng kung anu-anong mga bagay," pagkukuwento niya sa talkshow na "Mars Pa More."

"Tsaka nangako siya eh, nangako siya na kapag 35 na siya tapos wala pa siyang asawa, ako na talaga pakakasalan niya," dagdag pa ni Kakai.

"Magti-32 na. Oy bilisan mo ha mag-35 ha!" aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging laman ng mga balita ang diumano'y relasyon nina Kakai at Ahron noon. Gayunpaman, hindi naging maganda ang takbo ng relasyon nila nang i-delete ni Ahron ang mga larawan nila ni Kakai sa Instagram.

Si Kakai ay nagsimula bilang isang artista sa teatro. Siya ay nadiscover ni Ricky Rivero noong 2003 pagkatapos ng kanyang mahusay na pagganap sa dulang Alikabok. Tinagurian siyang 'The Dental Diva' dahil na rin sa husay niya sa pagkanta at pagpapatawa.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

When the news broke that Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo were engaged, netizens went wild and were excited for their idols. Learn more about this on Kami's video on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Online view pixel