Influencer na si 'Biker Girl,' patay matapos masangkot sa motorcycle accident
- Namatay si Karen Sofia Quiroz Ramirez, kilala bilang Biker Girl, sa isang aksidente sa kalsada
- Bumangga siya sa isang truck matapos subukang dumaan sa gitna ng dalawang sasakyan
- Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng insidente
- Nagkaroon siya ng malaking following dahil sa kaniyang motorcycle content
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Instagram
Namatay si Karen Sofia Quiroz Ramirez, isang motorcycle influencer na kilala bilang Biker Girl, matapos maaksidente sa kalsada sa Floridablanca, Colombia.
Kinumpirma ng lokal na awtoridad na 25 anyos lang siya nang mangyari ang insidente.
Ayon sa imbestigasyon, bumangga ang motorsiklo niya sa isang truck matapos niyang subukang dumaan sa gitna nito at isa pang sasakyan. Idineklara siyang patay sa lugar ng aksidente.
Sinabi ni transport official Jahir Andres na posibleng naging dahilan ng aksidente ang pagdaan niya sa pagitan ng dalawang sasakyan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa kaniya, ang pinaka-malamang na dahilan ay ang paglalakbay ng motorista sa gitna ng dalawang sasakyan.
Dagdag pa ng mga awtoridad na patuloy ang imbestigasyon para malaman ang eksaktong dahilan.
Ipinaliwanag pa ni Andres na tutukuyin ng Prosecutor’s Office ang malinaw na sanhi ng aksidente, kasama ang pagkuha ng testimonya ng mga saksi at pag-review ng CCTV footage.
Ilang oras bago ang aksidente, nag-post pa si Ramirez sa Instagram.
Nabanggit niya na umaasa siyang hindi siya mababangga dahil nagmamaneho siya nang walang salamin.
Umabot sa 40,000 ang followers niya sa TikTok at 35,000 sa Instagram dahil sa kaniyang motorcycle content.
Ang mga moto-vlogger ay mga content creator na nagvi-video habang nagmomotorsiklo.
Gumagamit sila ng mga action camera, gaya ng GoPro, para i-record ang biyahe nila sa kalsada.
Pagkatapos, ina-upload nila ang mga video sa YouTube, Facebook, TikTok, o Instagram.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also
Sikat na beauty influencer, natagpuang patay sa loob ng maletang iniwan sa masukal na gubat
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
