Sikat na social media influencer na kilala bilang si ‘Human Barbie’, pumanaw na sa edad na 31
US

Sikat na social media influencer na kilala bilang si ‘Human Barbie’, pumanaw na sa edad na 31

• Pumanaw ang Brazilian influencer na si Bárbara Jankavski sa edad na 31

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

• Isang public defender ang nagsabing magkasama sila at gumagamit ng ipinagbabawal na substance bago siya mamatay

• Nadiskubreng may marka at sugat sa katawan ng influencer kaya idineklarang “suspicious” ang kaso

• Kasalukuyang may autopsy at toxicology tests habang nagpapatuloy ang imbestigasyon

Bárbara Jankavski/@bonecadesumana on Instagram
Bárbara Jankavski/@bonecadesumana on Instagram
Source: Instagram

Pumanaw ang Brazilian influencer na si Bárbara Jankavski, kilala online bilang Boneca Desumana, noong Nobyembre 2 sa edad na 31.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa testimonya ni Renato Campos Pinto de Vitto, isang public defender, inupahan niya ang influencer para sa s3xual services sa gabing iyon.

Magkasama raw sila sa isang tirahan sa Sao Paulo at umano’y gumamit ng ipinagbabawal na substance.

Matapos makatulog si Bárbara, napansin umano ng lalaki na hindi na ito gumagalaw.

Tumawag siya sa Mobile Emergency Care Service at sinabihang magsagawa ng CPR habang papunta ang mga rumesponde.

Read also

“Walang kulong ‘yan!” Vice Ganda, humirit muli tungkol sa mga isyung panlipunan sa Showtime

Pagdating ng mga doktor, dineklara nilang patay na ang influencer.

Nasa police report na si Bárbara, na kinilala gamit ang kaniyang legal na pangalan na Bárbara Jankavski Marquez, ay may pasa sa kaliwang mata at mga marka sa kaniyang likod.

Nasa underwear lamang siya nang dumating ang mga awtoridad sa lugar.

May kaibigan na nagsabi sa pulis na ang sugat sa mukha ay galing umano sa pagkakadulas niya dati.

Gayunpaman, idineklara ng Sao Paulo Public Security Secretariat na “suspicious” ang kaniyang pagkamatay. Inutos ang autopsy at toxicology tests para malaman ang tunay na dahilan.

Si Bárbara ay may malaking following online: mahigit 56,000 sa Instagram at 344,000 sa TikTok.

Kadalasan, ibinabahagi niya ang mga cosmetic procedures na pinagdaraanan niya. Huli niyang ibinahagi ay ang kaniyang facelift noong Hunyo.

Marami ang nagbigay ng pakikiramay online, at marami ang nagulat sa biglaan niyang pagpanaw.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Vice Ganda, biniro si Ryan Bang sa anniversary vlog: "Moment namin ‘to!"

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: