Sikat na babaeng TikTok influencer, pumanaw sa edad na 29
- Pumanaw ang TikTok influencer na si Kaelin Bradshaw sa edad na 29
- Ibinahagi ng kaniyang asawa na si Austin ang kuwento ng laban ni Kaelin sa isang bihirang uri ng cancer
- Namatay si Kaelin habang hawak ang kamay ng asawa at napalibutan ng kaniyang pamilya
- Nagpahayag ng pasasalamat ang kaniyang ama sa mga nagpadala ng dasal at suporta
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Instagram
Pumanaw ang kilalang TikTok influencer na si Kaelin Bradshaw sa edad na 29.
Kinumpirma ng kaniyang asawa na si Austin Bradshaw ang malungkot na balita sa isang video na ibinahagi sa TikTok noong Miyerkoles, Oktubre 29.
Ikinuwento niya ang laban ng asawa sa isang bihirang uri ng cancer.
Ayon kay Austin, labis na nalungkot si Kaelin nang malaman ang kaniyang kondisyon, pero agad siyang nagdesisyon na lalaban at hindi susuko.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinaglaban umano ni Kaelin ang kaniyang buhay hanggang sa dulo, ngunit hindi na kinaya ng kaniyang katawan ang paglala ng sakit.
Namatay si Kaelin habang hawak ang kamay ni Austin dakong ala-una ng madaling-araw, napalibutan ng mga mahal sa buhay.
Sinabi ni Austin na hindi nakaramdam ng sakit ang kaniyang asawa sa huling sandali at ramdam pa rin nila ang pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang pamilya.
Nagbigay din ng mensahe ng pagdadalamhati ang ama ni Kaelin sa Instagram.
Ayon sa kaniya, nawalan sila ng isang “beloved angel” at nagpasalamat sa lahat ng nagpadala ng dasal at suporta sa kanilang pamilya.
Batay sa GoFundMe page ni Kaelin, nagkaroon siya ng Stage 4 cholangiocarcinoma o bile duct cancer, isang uri ng sakit na nabubuo sa maliliit na tubo na nagdadala ng bile sa tiyan.
Ibinahagi ni Kaelin ang kaniyang laban sa social media at sa YouTube video noong unang bahagi ng taon, sinabi niyang nagsimula ang kaniyang mga sintomas noong Oktubre 2024.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

