Madre na naging influencer, nagpakasal sa lalaki na dati namang seminarista
- Dating madre at seminarista, nagpakasal matapos talikuran ang buhay relihiyoso
- Nagkakilala sina Laís at Jackson habang nagsisilbi bilang mga misyonero ng Simbahang Katolika
- Naging daan ng kanilang komunikasyon ang mensaheng puno ng pagdarasal at pagdamay
- Ngayon, mag-asawa na sila at namumuhay nang tahimik sa Brazil
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Instagram
Dalawang taon naging madre si Laís Dognini sa isang Carmelite convent, habang limang taon namang nag-aral bilang seminarista si Jackson Dognini upang maging pari.
Sa kabila nito, nauwi ang kanilang landas sa pag-iisang dibdib.
Nagkita sina Laís at Jackson bilang mga misyonero ng Simbahang Katolika sa Brazil. Madalas silang nasa iisang gawain ngunit hindi nagkakausap noon.
Kalaunan, pumasok si Laís sa kumbento bilang Carmelite novice.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pagkalipas ng dalawang taon, iniwan niya ang buhay relihiyoso matapos madiagnose ng dysthymia o banayad ngunit matagalang uri ng depresyon.
Nang malaman ito, nagpadala ng mensahe si Jackson at sinabing ipagdarasal niya ang paggaling ni Laís.
Mula roon, nagsimula ang kanilang madalas na pag-uusap tungkol sa pananampalataya, mga pagdududa, at buhay.
Pagkaraan ng ilang panahon, umalis din si Jackson sa seminaryo.
Lalong lumalim ang kanilang ugnayan nang ibalik ni Jackson ang librong hiniram niya kay Laís tungkol sa mga banal na mag-asawang Louis at Zelie Martin—mga dating relihiyoso na piniling mamuhay bilang layko.
Naging magkasintahan sila noong Abril 2024 at nagpakasal makalipas ang halos isang taon, noong Marso 2025.
Una nilang itinago ang kanilang relasyon ngunit kalaunan ay ibinahagi ni Laís sa Instagram ang kanilang love story, kalakip ang mga larawan nila bilang dating relihiyoso at bilang bagong kasal.
Sa kasalukuyan, naninirahan sila sa Jaraguá do Sul, Brazil.
Si Laís ay isang digital influencer na may higit 16,000 followers, habang si Jackson ay propesor ng pilosopiya.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh