Taxi, nag-illegal U-turn; mga pulis, nagulantang pagtingin sa loob nito
- Driverless taxi sa California hinuli ng pulis matapos mag-illegal U-turn
- Nang silipin, walang tao sa driver’s seat kaya walang naisyung ticket
- Ang San Bruno Police ay nakipag-ugnayan sa Waymo upang ipaalam ang glitch
- Samantala, ang kumpanya naman ay nangakong rerepasuhin ang insidente at patuloy na magpapabuti sa road safety
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Nagulat ang mga pulis sa San Bruno, California nang mahuli ang isang taxi na biglang nag-illegal U-turn sa kanilang harapan, ngunit nang huminto ito ay wala palang tao sa driver’s seat.
Hininto ng mga opisyal ang sasakyan noong Biyernes ng gabi at natuklasang isa itong driverless car na pag-aari ng Waymo.
Ayon sa pulisya, hindi sila nakapagbigay ng ticket dahil walang drayber na maaaring managot. Biro pa nila sa social media, wala raw kahon sa citation book para sa “robot.”
Inilarawan ng departamento bilang isang “unang beses” ang kakaibang sitwasyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa nila, nakipag-ugnayan na sila sa Waymo para ipaalam ang naging problema.
Read also
Sagot naman ng kumpanya, dinisenyo ang kanilang system para sumunod sa batas trapiko.
Nangako rin silang rerepasuhin ang insidente at patuloy na magtatrabaho para mas mapabuti ang kaligtasan sa kalsada.
Ang Waymo ay nagpapatakbo ng fleet ng driverless taxis sa ilang pangunahing lungsod ng US gaya ng San Francisco at Los Angeles.
Puting Jaguar cars ang gamit nila, na puno ng sensors at may sariling mapping at computing system.
Nakakapanibago raw makita ang mga sasakyang ito dahil walang drayber at kusa lang umiikot ang manibela, ngunit ayon sa mga ulat, patok pa rin ang mga ito sa maraming pasahero.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Read also
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh