Pinaghihinalaang bangkay ng ama na umano'y may kinalaman sa pagkamatay 3 niyang anak, natagpuan
- Natagpuan ang bangkay ng lalaking si Travis Decker, na wanted kaugnay sa pagkamatay ng tatlong anak na babae
- Nahanap ang mga labi sa isang masukal na lugar sa Leavenworth, Washington
- DNA test ang gagawin para makumpirma ang pagkakakilanlan, ayon sa pulisya
- Ina ng mga bata at ex-wife ni Travis ay humingi ng respeto at privacy habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Natagpuan ng mga pulis ang labi ng isang lalaki na hinihinalang si Travis Decker, 32 anyos, na wanted kaugnay sa pagkamatay ng tatlong anak na babae.
Ang mga labi ay nadiskubre sa isang masukal na lugar sa timog ng Leavenworth, Washington, habang isinasagawa ang search.
Ayon sa Chelan County Sheriff’s Office, wala pang kumpirmadong pagkakakilanlan, ngunit malakas ang ebidensya na si Decker ito.
Patuloy na pinoproseso ang lugar at magsasagawa ng DNA test para sa pinal na resulta.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naglabas ng pahayag ang abogado ni Whitney Decker, ex-wife ni Travis at ina ng tatlong batang biktima.
Sinabi niyang nagdarasal sila na makumpirma na kay Travis ang bangkay. Nagpasalamat din siya sa law enforcement at sa suporta ng maraming tao sa buong mundo para kay Whitney.
Humiling din ang mga awtoridad ng patuloy na respeto at privacy para sa pamilya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nananatili silang nagbibigay ng updates at suporta sa mga kaanak ni Decker.
Si Decker ay pinaghahanap mula pa noong Mayo 30 nang ireport na nawawala ang kanyang tatlong anak na sina Paityn, 9; Evelyn, 8; at Olivia, 5.
Natagpuan ang mga bata noong Hunyo 2 sa Rock Island Campground sa Chelan County, may plastic sa ulo at nakatali ang mga kamay gamit ang zip ties. Base sa autopsy, suffocation ang ikinamatay ng mga bata.
Nakuha ng mga imbestigador ang maraming ebidensya mula sa pickup truck ni Decker na iniwan sa lugar.
Nag-alok din ng $20,000 na pabuya para sa kanyang pagkakahuli. Ayon kay Cozart, abogado ni Whitney, wala umanong red flags noon laban kay Travis pero matagal na itong may kinakaharap na problema sa mental health.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh