32-anyos na lalaki, namatay matapos sumakay sa rollercoaster
- Isang lalaki ang namatay matapos sumakay sa rollercoaster sa isang amusement park sa Florida
- Kinilala ang biktima na si Kevin Rodriguez Zavala, 32 taong gulang
- Ayon sa medical examiner, blunt impact injuries ang dahilan ng kanyang pagkamatay
- Pansamantalang isinara ang Stardust Racers habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Isang lalaki ang nasawi matapos sumakay sa rollercoaster sa Universal’s Epic Universe sa Orlando, Florida.
Kinilala ang biktima bilang si Kevin Rodriguez Zavala, 32 taong gulang.
Natagpuan siyang walang malay matapos sumakay sa Stardust Racers, isa sa mga pangunahing rides ng bagong bukas na park.
Ayon sa opisyal na website ng Epic Universe, ang Stardust Racers ay isang dual-launch coaster na umaabot sa bilis na 62 mph.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
May taas itong hanggang 133 feet at track na 5,000 feet ang haba.
Kilala rin ito sa inverted crisscross na tinatawag na Celestial Spin na may kasamang maliwanag na ilaw at musika.
Pagkatapos ng ride, biglang nawalan ng malay si Zavala.
Agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital, ngunit idineklara ring patay.
Batay sa resulta ng medical examiner, blunt impact injuries ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Naglabas naman ng pahayag ang pamunuan ng Universal.
Ayon sa kanila, labis silang nalungkot sa nangyari at nakikiramay sila sa mga naulila ni Zavala.
Pansamantalang isinara ang Stardust Racers habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Hindi pa malinaw kung may naging problema sa rollercoaster o kung may ibang salik na nakaapekto sa insidente.
Katatapos lamang magbukas ng Epic Universe ilang buwan pa lang ang nakararaan.
Kabilang sa mga atraksyon nito ang Nintendo World at Ministry of Magic ng Wizarding World of Harry Potter.
Ang pagkamatay ni Zavala ay nagdulot ng matinding pagkabahala sa mga bisita at masusing pagtingin sa kaligtasan ng mga rides sa parke.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh