Kilalang "nicest judge in the world" na si Frank Caprio, pumanaw na
US

Kilalang "nicest judge in the world" na si Frank Caprio, pumanaw na

  • Pumanaw na si Judge Frank Caprio, na tinaguriang “nicest judge in the world,” sa edad na 88 dahil sa pancreatic cancer
  • Kilala siya sa kanyang kabaitan, pagpapatawa, at malasakit, lalo na sa kanyang programang Caught in Providence
  • Naging huwaran siya bilang hukom, guro, at pinuno sa edukasyon, at nag-iwan ng inspirasyon sa milyun-milyon
  • Naiwan niya ang kanyang asawa, limang anak, pitong apo, at dalawang apo sa tuhod

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Frank Caprio/@therealfrankcaprio on Instagram
Frank Caprio/@therealfrankcaprio on Instagram
Source: Instagram

Pumanaw na si Judge Frank Caprio, na kilala bilang “nicest judge in the world,” sa edad na 88 matapos ang matagal na laban sa pancreatic cancer.

Sa pahayag sa kanyang social media, nakasaad na siya ay namayapa nang payapa at buong tapang niyang hinarap ang sakit.

Inalala si Caprio bilang isang taong puno ng malasakit, kababaang-loob, at paniniwala sa kabutihan ng tao.

Ang kanyang kabaitan, pagpapatawa, at pagiging makatao ay nag-iwan ng hindi malilimutang alaala sa mga nakilala at nakapanood sa kanya.

Read also

Food influencers, sugatan matapos salpukin ng sasakyan ang restaurant na kinakainan nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Noong 2023, ibinahagi niya sa publiko ang kanyang sakit at kamakailan, sa kanyang huling video, sinabi niyang muli siyang dinala sa ospital at hiniling sa kanyang mga tagasuporta na isama siya sa kanilang mga panalangin.

Lumaki si Caprio sa Providence, Rhode Island. Nagsilbi siya bilang Municipal Court Judge sa loob ng 40 taon at sampung taon bilang chairman ng Rhode Island Board of Governors for Higher Education.

Bago ito, nagturo rin siya sa Hope High School habang nag-aaral sa gabi sa Suffolk University School of Law sa Boston.

Nakilala siya nang husto sa kanyang reality TV show na Caught in Providence, kung saan ipinakita niya ang makataong paraan ng paglilitis.

Dahil dito, umani siya ng kasikatan sa social media at nakatanggap pa ng Daytime Emmy nomination noong 2021.

Bukod sa pagiging hukom, siya rin ay tapat na asawa, ama, lolo, at kaibigan. Naiwan niya ang kanyang asawa na si Joyce, kanilang limang anak, pitong apo, at dalawang apo sa tuhod.

Read also

Maris Racal, na-confine sa ospital: "Still on the road to recovery"

Hanggang sa huli, ang kanyang pamana ng kabaitan at malasakit ang patuloy na magbibigay-inspirasyon sa marami.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Jillian Ward, nagsalita sa mga ispekulasyon sa kanyang mga naipundar

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: