Food influencers, sugatan matapos salpukin ng sasakyan ang restaurant na kinakainan nila
- Sina Nina Santiago at Patrick Blackwood, mga kilalang food vloggers, ay muntik nang mamatay matapos mabangga ng sasakyan habang kumakain at nagfi-film sa isang restaurant
- Ang kotse ay bumangga sa glass wall ng kainan at tumama mismo sa mesa nila habang nagre-review ng pagkain
- Parehong nakaligtas ang dalawa, at nagpasalamat sila sa muling pagkakataon na mabuhay
- Hindi pa malinaw ang sanhi ng aksidente hanggang ngayon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Twitter
Nagkaroon ng nakakatakot na karanasan sina vloggers Nina Santiago, kilala rin bilang NinaUnrated, at Patrick Blackwood.
Ito'y matapos silang mabangga ng isang sasakyan habang kumakain at nagvi-video para sa kanilang food review sa isang restaurant.
Sa social media post ni Santiago sa X, ibinahagi niya ang video ng aksidente at sinabing bukas ay hindi tiyak para kanino man.
Sa kuha, makikita silang kakagat pa lamang sa kanilang burger nang biglang bumangga ang isang kotse, nabasag ang glass wall, at natumba ang kanilang mesa.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Blackwood naman ay nag-post sa Instagram ng larawan ng kanyang mga tinamong sugat.
Ayon sa kanya, nagpapasalamat siya na nabuhay pa at nagpatuloy sa buhay na may mas malalim na layunin.
Dagdag pa niya, mahalaga ang mamuhay nang matapang at pahalagahan ang bawat sandali.
Ibinahagi rin ni Santiago ang kanyang pasasalamat na nakaligtas siya sa aksidente.
Aniya, tinamaan silang dalawa mismo habang siya ay kumakagat ng salmon slider.
Bagamat biglaan ang nangyari, nakaligtas sila.
Para sa kanya, ipinakita ng insidente kung sino ang tunay na mahalaga sa kanyang buhay.
Dagdag pa niya, ang buhay ay napakaikli para sa galit o tampuhan.
Dapat daw ay matutong magpatawad, mamuhay sa kasalukuyan, at pahalagahan ang mga taong kasama.
Nagpasalamat din siya sa kanilang alagang aso na si Loyal, na pumanaw noong Nobyembre 2024, at pinaniniwalaan niyang naging gabay nila mula sa itaas.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na ulat tungkol sa sanhi ng aksidente.
Si Santiago ay may higit 200,000 followers sa Instagram, habang si Blackwood naman ay may mahigit 38,000.
Panuorin ang bidyong ito (BABALA):
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh