75-anyos na babaeng naiulat na nawawala sa Las Vegas, natagpuang naaagnas na
- Isang 75-anyos na Filipina na naiulat na nawawala sa Las Vegas, Nevada, ay natagpuang patay
- Nakilala ang biktima bilang si Lourdes Morin, huling nakita noong Hulyo 26 papunta sa simbahan
- Natagpuan ang naaagnas na bangkay niya sa isang bangin, mga 10 kilometro mula sa huling pinangyarihan
- Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng kanyang pagkamatay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Natagpuang patay ang isang 75-anyos na Filipina na naiulat na nawawala sa Las Vegas, Nevada.
Kinilala ang biktima na si Lourdes Morin, na iniulat ng kanyang pamilya na nawawala noong Hulyo 27.
Huli siyang nakita noong Hulyo 26 habang papunta sa St. Viator Church malapit sa Flamingo para magsimba, ngunit hindi na siya nakabalik sa kanilang bahay.
Batay sa Missing Person Alert ng Las Vegas Metropolitan Police Department, huling namataan si Morin bandang alas-7 ng umaga malapit sa Dorothy Avenue.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nakasuot siya noon ng puting blouse at itim na pantalon.
Makalipas ang tatlong araw, natagpuan ng ilang hiker ang kanyang naaagnas na bangkay sa isang bangin, humigit-kumulang 10 kilometro mula sa lugar kung saan siya huling nakita.
Ayon kay Michael Lampkin, asawa ng anak ni Morin, natagpuan ang katawan ng biktima na nakadapa sa isang libis at nasa advanced state of decomposition na.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga pangyayari sa likod ng kanyang pagkamatay.
Ang advanced state of decomposition ay yugto kung saan malaki na ang pagbabago sa katawan ng isang namatay dahil sa pagkabulok.
Karaniwang makikita rito ang pagkapunit ng balat, pag-agnas ng laman, at malakas na amoy.
Nangyayari ito kapag matagal nang patay ang isang tao at na-expose ang katawan sa init, hangin, o ibang kondisyon na nagpapabilis ng pagkabulok.
Panuorin ang ulat ni 'Igan' Arnold Clavio sa 'Unang Balita' ng GMA Integrated News:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Read also
Babaeng TV reporter, hinablutan ng cellphone habang naghahanda sa ulat; krimen, nakuhanan ng video
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh