Babae, nag-"YES" sa proposal ng nobyo matapos ang 42 beses niyang pagtanggi dito sa loob ng 7 taon
US

Babae, nag-"YES" sa proposal ng nobyo matapos ang 42 beses niyang pagtanggi dito sa loob ng 7 taon

  • Isang lalaki ang nag-propose ng 43 beses sa loob ng 7 taon bago siya sinagot ng "oo" ng kanyang nobya
  • Sa una pa lang ay tinanggihan na siya ng babae dahil bago pa lamang sila noon sa relasyon
  • Gumawa ang lalaki ng mga kakaibang paraan ng panliligaw tulad ng dinner dates, pag-upa ng castle, at horseback riding sa beach
  • Sa ika-43 niyang proposal sa Greenwich, London, ay tuluyan na siyang sinagot ng babae at sila’y ikinasal sa Jamaica nitong Mayo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Anastasia Shuraeva on Pexels
Anastasia Shuraeva on Pexels
Source: Original

Matapos ang pitong taon at 43 beses ng pagpo-propose, sa wakas ay sinagot na rin ng "oo" ni Sarah Wintrip ang kanyang nobyo na si Luke.

Nagsimula ang lahat noong 2018 nang unang mag-propose si Luke anim na buwan pa lang mula nang maging sila.

Tinanggihan siya ni Sarah noon dahil masyado pa raw silang maaga sa relasyon, kahit na mahal na niya ito.

Hindi sumuko si Luke at sa mga sumunod na taon ay gumawa siya ng mga romantic na paraan para muling mag-propose — gaya ng pag-upa ng kastilyo sa Prague, dinner dates na may kandila, at horseback riding sa tabing-dagat ng Jamaica.

Read also

Katrina Halili, aliw na aliw sa reaksyon ni Katie sa kanilang smart lock: "Sorry, Katie"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ika-42 niyang proposal, sinabi ni Sarah na sa susunod ay sasagutin na niya ito ng "oo."

Isang taon pa ang lumipas bago dumating ang ika-43 proposal ni Luke sa Greenwich, London.

Doon niya sinabi kay Sarah na ito ang "sentro ng kanyang mundo." Sa wakas, pumayag na rin si Sarah at ikinasal sila sa Jamaica noong Mayo.

Sa Instagram, pabirong sinabi ni Sarah na dapat siguro ay bigyan ng Guinness World Record si Luke sa dami ng beses na siya’y nag-propose, at pinasalamatan niya ito sa hindi pagsuko.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also

DJ Nicole Hyala, ipinost ang CCTV footage niya: "Grabe kahihiyan ko"

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: