Sikat na babaeng influencer, namatay sa kalagitnaan ng kanyang cosmetic surgery
US

Sikat na babaeng influencer, namatay sa kalagitnaan ng kanyang cosmetic surgery

  • Pumanaw si influencer Natalia Cavanellas habang isinasagawa ang isang cosmetic procedure sa São Paulo, Brazil
  • Ayon sa doktor na si Edgar Lopez, nagkaroon siya ng "pulmonary embolism," isang bihirang komplikasyon kahit may mga preventive measures
  • Ibinahagi ng kanyang asawa na si Rafael Thomazella ang pagpanaw ni Natalia sa isang emosyonal na Instagram post
  • Kilala si Cavanellas bilang isang entrepreneur at content creator tungkol sa networking at strategic positioning

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Natália Cavanellas/@nat_natworking on Instagram
Natália Cavanellas/@nat_natworking on Instagram
Source: Instagram

Biglaang pumanaw si influencer na si Natalia Cavanellas sa kalagitnaan ng isang cosmetic procedure.

Ayon sa ulat ng CNN Brasil na binanggit ang São Paulo Public Security Secretariat, ang 40-anyos na influencer ay nakaranas ng "cardiorespiratory arrest" habang isinasagawa ang operasyon sa Sao Paulo.

Ayon kay Edgar Lopez, ang doktor na nagsagawa ng operasyon, si Cavanellas "underwent an elective surgical procedure, performed in a suitable hospital setting, with all preoperative examinations completed in accordance with safety protocols and medical monitoring."

Dagdag pa ni Lopez, “Unfortunately, the patient developed a serious complication, compatible with pulmonary embolism, a rare event, but recognized in the medical literature as possible, even with all the preventive measures adopted,” habang binigyang-diin na siya ay may mahigit dalawang dekadang karanasan at palaging kumikilos “with ethics, responsibility, and dedication.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang asawa ni Cavanellas na si Rafael Thomazella, kung saan may anak silang si Manoella, ay nagbahagi ng kanyang kalungkutan sa Instagram post na nagpapakita ng masasayang larawan ng kanilang pamilya.

Aniya, “We all know what a great woman Natalia was—a beautiful, independent, super professional, happy woman, among so many other qualities,” at dinagdag pa na habang iniwan na sila nito, si Natalia ay “forever be in our memories and our hearts.”

Ibinahagi rin niya, “We have been married for a few years and the fruit of that marriage came our daughter, Manoella, who is the greatest gift I have ever received in my life.”

Kwento pa ni Thomazella, “She's very communicative, I think she pulled her mom into everything, and today I saw how good that was,” at pangako niya na palagi niyang ikukuwento kay Manoella kung gaano kabuting tao ang kanyang ina, “the kind of person that everyone loves, admires, and will always keep her alive in our memories.”

Ayon sa CNN Brasil, itinuring ng pulisya ang insidente bilang “sudden death” at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ni Cavanellas.

Bukod sa pagiging influencer, isa ring entrepreneur si Natalia na sumikat sa Instagram dahil sa kanyang mga content tungkol sa networking at strategic positioning.

Basahin ang artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa balitang ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: