Anak ng Hollywood executive na inakusahang nag-chop-chop sa misis at mga biyenan, namatay sa piitan
- Lalaking anak ng isang Hollywood executive na akusado sa pagpatay at pag-chop-chop sa kanyang misis at in-laws ay namatay sa piitan
- Ayon sa artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life, siya ay namatay umano sa pamamagitan ng pagkuha sa sarili niyang buhay
- Ito ay nangyari sa loob ng piitan ilang araw bago ang nalalapit ang preliminary hearing para sa kanyang kinakaharap na kaso
- Ayon sa NBC Los Angeles, si Sam Haskell IV ay kinasuhan ng three counts ng murder kaugnay sa pagkamatay ng kanyang misis na si Mei Haskell, 37-anyos, nuong November 2023
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Patay din ang mga magulang ng kanyang misis na sina Yanxiang Wang, 64-anyos, at Gaoshan Li, 72-anyos.
Mayroong tatlong anak si Sam at Mei.
Nakatakda sana siyang humarap sa isang preliminary hearing kaugnay ng kanyang kasong pagpatay ngayong linggo, ngunit natagpuan siyang patay noong umaga ng Sabado, Hulyo 12.
Ayon sa ulat, si Haskell ay nag-iwan ng sulat at noong oras ng kanyang pagkamatay ay nasa ilalim ng katamtamang pagbabantay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sinabi ni Deputy District Attorney Beth Silverman sa isang hukom noong Lunes, Hulyo 14, na inaasahan niyang aamin si Haskell sa kanyang kasalanan ngayong linggo kaysa dumaan pa sa preliminary hearing at pagdinig ng kaso.
Ayon kay LA County District Attorney Nathan Hochman, sa halip na humarap sa hukom at managot sa mga krimeng ipinapataw sa kanya, nakahanap ng paraan ang akusado na takasan ang hustisya.
Dagdag pa niya, isa na naman itong malupit na hakbang mula sa isang taong gumawa ng mga karumal-dumal na bagay sa mga dahilan na hindi na ganap na mauunawaan.
Sinabi naman ng abogado ni Haskell na si Joseph Weimortz Jr. na natatakot si Haskell sa negatibong publisidad na maaaring makaapekto sa kanyang mga anak, ngunit hindi sa pagkakakulong.
Ayon kay Weimortz, upang maiwasan ang mas marami pang media exposure, pumayag siyang talikuran ang kanyang karapatan sa preliminary hearing.
Pumayag siyang talikuran ang karapatan sa jury trial at handa rin siyang umamin. Dagdag pa niya, ang ginawa ng kanyang kliyente ay hindi kagagawan ng duwag o nababaliw; sa huli, pinili niyang wakasan ang sarili niyang buhay sa paniniwalang ito na lamang ang magtatapos sa kaguluhang nangyayari.
Ayon sa mga tagausig, kung itinuloy ang preliminary hearing, maghahain sana sila ng buod ng ebidensyang nagpapakita ng pagkakasangkot ni Haskell sa mga krimeng iniuugnay sa kanya.
Noong Nobyembre 7, 2023, nagtungo sa pulisya ang ilang day laborers at iniulat na tinangka ni Haskell na upahan sila upang itapon ang ilang itim na plastic bag.
Nang suriin ang laman nito, lumabas na naglalaman ito ng mga labi ng tao. Natagpuan ang mga labi ni Mei kinabukasan ngunit hindi na natagpuan ang mga labi ng kanyang mga magulang.
Natagpuan din ang dugo sa sasakyang ginamit ni Haskell na tumugma sa DNA ni Li. Ayon sa mga imbestigador, natagpuan sa wallet ni Haskell ang resibo ng biniling plywood, canopy, moisture barrier, coveralls, at saw blades.
Natagpuan din sa kanyang nirentahang sasakyan ang isang baril na may bala, kutsilyong may dugo, at mga pasaporte.
Ayon sa District Attorney's Office, ang pagsusuri sa DNA ng dugo sa kutsilyong militar ay tumugma sa lahat ng tatlong biktima, habang ang mga bahid ng dugo sa baril ay tumugma sa DNA nina Mei at Li.
Una nang idineklara ni Haskell na siya ay walang sala sa mga paratang at nanatili siya sa kulungan na walang piyansa habang hinihintay ang paglilitis.
Kung siya ay nahatulan, haharap sana siya sa habambuhay na pagkakakulong na walang posibilidad ng parole.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh