Bruce Willis, nag-retiro na sa acting dahil sa brain disorder na aphasia
- Si Bruce Willis ay nag-retiro na sa pag-arte dahil sa kanyang karamdaman
- Nag-post ang pamilya ni Bruce sa Instagram upang ipaalam sa publiko na-diagnose ang aktor ng aphasia
- Ito ay isang kundisyon sa utak kung saan nahihirapan ang pasyente na magsalita, magsulat, magbasa, at umintindi ng pagsasalita ng iba
- Ayon din sa pamilya ni Bruce, aalagaan nilang mabuti ang dating action star sa gitna ng matinding pagsubok na ito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang sikat na Hollywood star na si Bruce Willis ay nag-retiro na sa pag-arte dahil sa kanyang karamdaman.
Ayon sa Instagram post ng mga mahal sa buhay ni Bruce kasama na ang current wife niyang si Emma Heming Willis at ng ex-wife niyang si Demi Moore, na-diagnose ang aktor ng aphasia.
Ang aphasia ay isang kundisyon sa utak kung saan nahihirapan ang pasyente na magsalita, magsulat, magbasa, at umintindi ng pagsasalita ng iba, ayon sa aphasia.org.
Maaaring stroke, head trauma, o head injury ang mga maaaring sanhi ng nasabing kundisyon, ayon sa Mayo Clinic.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ipinangako naman ng pamilya ni Bruce na aalagaan nilang mabuti ang dating action star sa gitna ng matinding pagsubok na ito. Nagpasalamat din sila sa lahat ng fans at supporters ni Bruce.
“To Bruce’s amazing supporters, as a family we wanted to share that our beloved Bruce has been experiencing some health issues and has recently been diagnosed with aphasia, which is impacting his cognitive abilities. As a result of this and with much consideration Bruce is stepping away from the career that has meant so much to him.
“This is a really challenging time for our family and we are so appreciative of your continued love, compassion and support. We are moving through this as a strong family unit, and wanted to bring his fans in because we know how much he means to you, as you do to him.
“As Bruce always says, ‘Live it up’ and together we plan to do just that," pinost ni Demi sa Instagram.
Si Bruce Willis ay isa sa mga pinaka-sikat at successful na action stars sa buong mundo. Kilala siya sa kanyang iconic action hero na si John McClane sa limang “Die Hard” movies. Sumikat din ang kanyang pelikula na “Armageddon” na ginawa ng director na si Michael Bay at ang horror movie niyang “The Sixth Sense” ni M. Night Shyamalan.
Bukod kay Bruce Willis, may iba pang Hollywood stars ang nag-trending din sa Pilipinas. Isa dito ay si Will Smith. Nag-trending siya nang kanyang sampalin ang komedyanteng si Chris Rock sa 94th Academy Awards. Nagalit si Will dahil ginawang biro ni Chris ang alopecia o hair loss ni Jada Pinkett-Smith, asawa ni Will. Nag-sorry naman siya dahil sa pananampal sa komedyante.
Naging laman din ng headlines ang Hollywood actor na si Alec Baldwin. Ito ay nang aksidente niyang mabaril ang cinematographer ng kanyang bagong pelikula sa gitna ng filming. Namatay ang nasabing director of photography.
Source: KAMI.com.gh