Sikat na beauty influencer, natagpuang patay sa loob ng maletang iniwan sa masukal na gubat

Sikat na beauty influencer, natagpuang patay sa loob ng maletang iniwan sa masukal na gubat

  • Ang beauty influencer na si Stefanie Pieper ay natagpuang patay sa loob ng maleta sa isang liblib na gubat
  • Ayon sa PhilSTAR Life, ang pagkawala niya ay naiulat ilang araw matapos hindi sumipot sa trabaho at photoshoot
  • Samantala, ang mga awtoridad ay inaresto ang kanyang ex-boyfriend at ilang kaanak nito
  • Sa kabilang banda, nagpapatuloy ang paggulong ng imbestigasyon sa Slovenia at Austria
Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Natagpuang patay ang 31-anyos na beauty influencer na si Stefanie Pieper sa loob ng isang maleta sa isang liblib na gubat.

Ayon sa ulat ng Austrian paper na Kronen Zeitung, nadiskubre ang kanyang katawan sa Slovenia ilang araw matapos siyang mawala.

Ibinahagi ng mga awtoridad na nakatanggap sila ng alerto mula sa mga kamag-anak matapos makita si Pieper na bumaba ng taxi matapos ang isang holiday party noong November 23.

Hindi rin siya nakadalo sa nakatakdang photoshoot bago ang insidente.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa lokal na media, nagpadala pa siya ng mensahe sa isang kaibigan sa WhatsApp noong November 23.

Read also

Pamilya ng OFW sa Hong Kong umaasa ng tulong habang nasa ICU ang Pinay

Sinabi niyang may naririnig siyang tao sa kanilang hagdanan at nakita raw niya ang kanyang ex-boyfriend.

May mga kapitbahay ding nakarinig ng kanilang pagtatalo.

Kumpirmadong nawawala siya nang hindi pumasok sa trabaho at hindi na makontak, ayon sa pulisya. Ilang araw matapos ito, natagpuan ang kanyang bangkay.

Inaresto ang ex-boyfriend ni Pieper at ilang kaanak nito kaugnay ng kaso.

Ayon sa mga awtoridad, humiling na sila ng extradition papuntang Austria.

Nasa kustodiya na ang mga inaaresto at patuloy na iniimbestigahan.

Ayon sa imbestigador, umamin ang dating kasintahan sa pagpatay sa biktima at itinuro kung saan niya itinago ang katawan.

Patuloy ang imbestigasyon sa Slovenia at Austria, at sinabing may malapit na koordinasyon ang magkabilang panig.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa kwentong ito.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

OFW na is Rhodora Alcaraz, nasa “stable” na kondisyon ayon sa Hong Kong hospital

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: